Sylvia Sanchez, binigyan ng maagang pamasko ng kanyang anak na si Ria Atayde

Isang maagang pamasko ang natanggap ni Kapamilya actress Sylvia Sanchez mula sa kanyang anak na si TV host-actress Ria Atayde.

Nitong October 20, ay sinurpresa ni Ria ang kanyang Mommy Sylvia ng isang napakacute na aso.
Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Sylvia ang isang video kung saan mapapanood ang pagsusurpresa sa kanya ni Ria.

Credit: JOjo Atayde instagram

Sa video, makikita ang masayang-masayang reaksyon ni Sylvia nang makita ang bitbit na aso ng kanyang anak.
Mistulang isang sanggol din na dinuduyan ni Sylvia ang aso na ibinigay ng kanyang anak.
Sambit ni Sylvia sa video, “Yes! May aso nako!”

Credit: JOjo Atayde instagram

Caption ni Sylvia sa video, “Hahaha super happy💃🕺💃Ria bought me a dog and im very very happy, finally i have a dog that i can call mine.”

Nagpasalamat din si Sylvia sa anak dahil sa regalo nito.Ani Sylvia, “Thank you my potpot for surprising me and thank you @ataydegela and @mikeeatayde for being the kasabwat of @ria 😍

Credit: JOjo Atayde instagram

Ayon din sa batikang aktres, bago pa man ang ginawang sorpresa ni Ria ay nagtampo pa umano siya sa mga anak dahil umalis daw ang mga ito nang hindi nagpapaalam sa kanya.

Saad Sylvia, “Kaya pala ang aga nyong umalis sa bahay ng di nagpaalam. Nainis pa naman ako kasi umalis ng walang paalam, grrrrrrr😡😡😡 talaga, yon pala hahahaha 😝So happy!!! You really surprised me!!

Credit: JOjo Atayde instagram

Dagdag ni Sylvia, “And thank GOD that i have kids and a niece that think of my happiness too. Good kids❤ love u 3💋💋💋 B1 B2 and Gelatin🤪😝😜Now i have a new baby boy💃😍🕺Yay! Very happy😍

Sa pinakabagong Instagram post naman ni Sylvia ay kapansin-pansin na hindi na sila mapaghiwalay ng kanyang bagong alagang aso na pinangalanan niyang Soji.


Caption niya sa post, “Meet my baby Soji😍 he brings so much joy in my life❤ yeyyyy!! Very, very happy💃🥰🕺 again, thank u my potpot @ria for my early xms gift🎁love you so much my Chika Besh💋💋💋
Samantala, maraming netizen namang ang natuwa dahil anila, kitang-kita umano ang kasiyahan sa mukha ni Sylvia sa piling ng kanyang alagang asong si Soji.

Credit: JOjo Atayde instagram

Komento ng netizens:
“You look so happy with your new baby ❤””Suwerte po ang pet ninyo kasi mahal at maalaga kayo ❤❤❤””My baby kana nay @sylviasanchez_a hehee , Hello baby soji 😍❤😘””The furry baby is sooo adorable 😄

The post Sylvia Sanchez, binigyan ng maagang pamasko ng kanyang anak na si Ria Atayde appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments