Wala mang dugong Pilipino, ay nanatili pa rin sa dating Kapamilya actress at ngayo’y isa nang kilalang Korean singer na si Dara o mas kilala ng Pinoy bilang si Sandara Park ang kanyang pusong Pinoy.
Kamakailan lamang ay bumisita si Dara sa isang Pinoy street market sa Jongno-gu, Seoul South Korea kung saan nagkaroon ng oras si Dara na makasalamuha at makakwentuhan ang mga kababayan natin sa South Korea.
Ikwenento ni Dara na plano lang talaga umano niyang mamili at ipakilala ang ilang Pinoy product pati na rin gumawa ng review tungkol sa mga pagkaing Pinoy. Ngunit dahil sa dami ng Pinoy na nagpa-picture sa kanya sa naturang street market ay nakagawa siya ng isang vlog.
Pagsisimula ni Dara sa vlog , “The original plan was to shop at a Philippine market, introduce some food and review products. But due to the endless photoshoot, it ended up as a vlog.”
Dagdag ni Dara, “Let’s see if people will recognize me. Because occasionally those who lived abroad when they were younger and didn’t have access to Philippine TV programs don’t know me. Rather their kids or moms know me.”
Sa vlog, mapapanood si Dara na tuwang-tuwa nang makita ang mga paboritong pagkain na kinakain niya noong nasa Pilipinas pa lang siya.
Kabilang sa mga nangungunang pagkain Pinoy na binili ni Dara sa street market ay sinigang mix, Mang Tomas, Corned Beef at Tocino.
Sa naturang street market ay kumain din si Dara nang ilang Pinoy food kagaya ng sinigang at Filipino style spaghetti.
Kaya nga lang ay nagambala si Dara sa pagkain dahil sa maraming Pinoy na gustong makapagpa-picture sa kanya. Mukhang hindi naman alintana ng K-pop star ito dahil game na game pa rin itong nag-pose kasama ang Pinoy fans.
Sa katunayan, ikwenento ni Dara sa kanyang kasamang koreanong kaibigan na karamihan sa kanyang supporter at tagahanga ay mga Pinoy.
Ani Dara sa kaibigan, “Apparently people in the Philippines take the most pictures compared to all other countries. And they are also the most active in social media…Even my DaraTV followers are mainly from the Philippines.”
Pinuri naman si Dara ng isang seller dahil sa kabaitan at pagiging mapagkumbaba nito sa kabila ng kanyang kasikatan.
Ani ng seller, “You can’t even eat because you’re so popular. I saw you on TV few years ago. It’s hard to become successful like that. You’re so kind. Thank you for being so popular.”
Sa huli ay nagpasalamat si Dara sa kanyang mga Filipino fan. Ani Dara, “Maraming salamat sa inyong lahat. Mabuhay! Mahal ko kayo.”
Ang nabanggit na Filipino marketplace ay madalas puntahan tuwing Linggo ng mga Pinoy na nasa South Korea. Iba’t ibang pagkaing Pinoy at produkto ang mabibili sa nasabing Filipino marketplace.
The post Sandara Park, bumisita sa isang Filipino street market sa South Korea at ipinakita ang mga namimiss na Filipino food appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments