Tignan ang sweet mommy and son beach bonding ni Ellen Adarna kasama ang anak nila ni John Lloyd na si Elias

Ellen Adarna, ipinasilip nang malapitan ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto
Spotted sa isang beach resort sa Cebu ang actress-model na si Ellen Adarna kasama ang anak sa dating kasintahan na si actor John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram      

Sa serye ng mga larawan na ibinahagi ni Ellen sa kanyang Instagram account nitong October 4, ay makikitang nag-eenjoy ang mag-ina habang nagtatampisaw sa dagat.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Sa isang video na ipinost ni Ellen, ay mapapanood sina Ellen at Elias na tumalon sa dagat suot ang kanilang life-jacket.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Sa isang larawan naman ay makikita si Ellen na nagje-jetski habang sakay sa harapan ang dalawang taong gulang na anak.

Kapansin-pansin din ang pagiging malambing ni Ellen sa anak. Makikita sa isang larawan ang paghilig ni Ellen sa likod ng anak habang nakasakay sila sa isang bangka. Sa isa pang picture ay makikita ang pagkukulitan ng mag-ina.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Hindi gaanong nagpo-post ang aktres ng larawan ni Elias dahil gusto umano nilang protektahan ni John Lloyd ang privacy ng anak mula sa mga nang-uusisa.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Kaya’t sobrang natuwa ang fans ni Ellen nang magbahagi siya ng napakaraming larawan ng napakacute at gwapong anak nila ni John Lloyd.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Napakaswerte rin ng netizens dahil ipinasilip na ni Ellen nang malapitan si Elias. Sa isang larawan na ibinahagi ni Ellen ay masisilayan nang malapitan ang mukha ni Elias. Hindi maitatanggi sa mga larawan na ibinahagi ni Ellen na namana ni Elias ang magandang itsura ng mga magulang.

Kanya-kanyang komento naman ang netizens kung sino ang kamukha ni Elias. Ayon sa netizens:

“Ay so cute! Noo pa lang kahit nakaside view nakuha sa ama”

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

“Halaaa ang ilong liwat sa mader” (Hala ang ilong namana sa mama)

“Litte John Lloyd Cruz”

“Murag c John Lloyd jud” (Parang si John Lloyd talaga)

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Matatandaang June 2018 nang mapabalita ang panganganak ni Ellen. Sa sumunod naman na taon ay napabalita ang paghihiwalay nila ni John Lloyd. Wala masyadong sinabi si Ellen tungkol sa paghihiwalay nila ng aktor. Gayunpaman, ay ibinalita naman ni Ellen na co-parenting ang set up nilang dalawa ni John Lloyd sa pagpapalaki kay Elias.

Sa isang artikulo na inilathala ng ABS-CBN News, ay ikwenento ni Ellen na sa kanya nakatira si Elias at dalawang beses sa isang linggo ay nasa pangangalaga ni John Lloyd ang kanilang anak. At dahil nanatili ngayon si Ellen sa Cebu ay mukhang doon din ngayon si John Lloyd naka-base.

The post Tignan ang sweet mommy and son beach bonding ni Ellen Adarna kasama ang anak nila ni John Lloyd na si Elias appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments