Anak nina Dianne Medina at Rodjun Cruz na si Baby Rodolfo Diego Joaquin III, agaw-pansin sa social media dahil sa taglay na kagwapuhan

Noong hindi pa siya naipapanganak, maraming netizen na ang nagsasabing magiging napakagwapo ni Baby Rodolfo Diego Joaquin III dahil sa good genes ng kanyang mga magulang na sina celebrity couple Dianne Medina at Rodjun Cruz.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram   

Hindi naman nagkamali sa kanilang hula ang netizens dahil lumabas ngang napakagwapo ni Baby Rodolfo.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Ngayon na nasilayan na siya ng netizens ay kitang-kita na ang ebidensya na maganda ang lahi nina Dianne at Rodjun. Sanggol pa lang kasi ay agaw-pansin na ang kagwapuhan ni Baby Rodolfo.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Sa isang video na ibinahagi ni Rodjun sa Instagram, litaw na litaw ang napakatangos na ilong ni Baby Rodolfo habang humihikab siya nang napakalaki.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Caption ni Rodjun sa IG video, “Let them hear your Roar Haha! Good morning! Love you my @babyjoaquinilustre #FutureKing #RodolfoJoaquinDiegoIII #BabyJoaquinIlustre #MyLife #Blessed”

 

View this post on Instagram

 

Raaaawwwwrrrrrr 🦁🦁🦁 my @babyjoaquinilustre love you my handsome son! 😍

A post shared by Dianne Medina Ilustre (@dianne_medina) on

Sa isa pang hiwalay na post, makikita rin ang napakagandang mga mata ni Baby Rodolfo. Pati ang mga ngiti ni Baby Rodolfo ay nakakabighani rin.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Hindi maitatagong may future ito sa pag-aartista. Sulit na sulit ang paghihintay ng mag-asawa at pag-aabang ng kanilang mga tagahanga sa paglabas ni Baby Rodolfo dahil bata pa lang ay napakagwapo at napakasarap na nitong tingnan.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Kagaya ng kanyang Daddy Rodjun, tila marami rin ang mabibihag na puso ni Baby Rodolfo sa taglay niyang kagwapuhan. Hindi malayo ang posibilidad na susunod sa yapak ni Rodjun at ni Dianne si Baby Rodolfo.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Nakatanggap naman ng maraming paghanga at papuri mula sa netizens si Baby Rodolfo dahil sa kanyang taglay na kagwapuhan at cuteness. Komento ng netizens:

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

“Grabe naman pagkapogi!”

“Guapo guapo naman”

“Super gwapo naman baby joaquin ilustre”

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

“susunod sa yapak ni daddy nia”

“ang pogi ng baby na yan eh”

 

View this post on Instagram

 

my life. my everything. my handsome @babyjoaquinilustre 💙💙💙

A post shared by Dianne Medina Ilustre (@dianne_medina) on

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Sina Dianne at Rodjun ay matagal din na naging magkasintahan bago sila ikinasal noong December 2019 sa Manila Cathedral. Nasilayan at nayakap naman nina Dianne at Rodjun ang kanilang panganay na anak na itinuturing nilang isang ‘answered prayer’ noong September 10.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Simula nang maipanganak ay hindi na maalis nina Dianne at Rodjun ang mata sa napakagwapong anak. Sa kanya-kanya nilang social media account ay ibinabahagi nila sa kanilang mga tagahanga ang bunga ng kanilang pagmamahalan.

The post Anak nina Dianne Medina at Rodjun Cruz na si Baby Rodolfo Diego Joaquin III, agaw-pansin sa social media dahil sa taglay na kagwapuhan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments