Isa sa mga patok na pinagkakakitaan ngayon ng mga hinahangaan nating personalidad sa telebisyon ay ang pagba-vlog. Sa Pilipinas, ay nangunguna si broadcast journalist Raffy Tulfo sa mga YouTuber na nakahakot ng milyon-milyong subscriber.
Sa ngayon, ang YouTube channel ni Raffy na “Raffy Tulfo in Action” ay mayroon nang mahigit 15 million subscriber. Maliban dito ay aabot din sa hindi bababa ng 50K hanggang 10 million ang views ng mga video ni Raffy sa kanyang YouTube channel.
Ayon sa mga balita tinatayang nasa mahigit 2 bilyon ang kita ng YouTube channel ni Raffy. Dahil dito, marami ang nagtataka kung saan ginagastos ni Raffy ang kanyang kinikita sa YouTube.
Sa virtual presscon ng Frontliners Pilipinas kay Raffy ay tinanong ng PUSH kung saan niya ginagamit ang malaki niyang kinikita sa YouTube.
Ayon kay Raffy, malaking bahagi umano ng kanyang kinikita sa YouTube at napupunta sa mga nangangailangan.
Ani Raffy, “Malaking portion po no’n ay pinantutulong natin sa mga kababayan natin. So, may pinupuntahan naman po, para do’n sa mga nangangailangan.”
Aminado rin si Raffy na hindi lahat ng kanyang kinikita ay napupunta sa mga charity work. Aniya, “And then of course, meron ding parte do’n na nagagamit ko. I’ll be lying pag sasabihin kong lahat napupunta one hundred percent do’n sa tulong. Meron din pong napupunta sa akin, sa pangangailangan ko, sa pamilya po. Pero a big part of that money goes to helping the poor lalo na.”
Ikinwento rin ni Raffy na hindi na niya kailangan bigyan ng pera ang mga kapatid na sina Erwin, Ben, at Ramon Tulfo dahil hindi na raw kailangan ng tulong ng mga ito dahil mayroon naman daw silang sariling yaman.
Pag-amin ni Raffy, “Mayaman [na] sila, hindi ko na kailangang bigyan. Yung nanay ko na lang tinutulungan ko, pero yung mga kapatid ko may mga pera sila, so hindi na nila kailangan ang mga tulong ko. Baka mainsulto pa sila pag binigyan ko sila ng pera.”
Samantala, sa paglipas ng panahon ay nakagawa ng pangalan si Raffy dahil sa ginagawang aksyon ng kanyang YouTube channel para tulungan ang mga naaapi.
Malaking dahilan umano kaya tinatangkilik ang kanyang YouTube channel ay dahil totoo at hindi pakitang tao ang ginagawa niyang pagtulong sa mga lumalapit sa kanya.
Kwento ni Raffy, “Credibility is very important. Kaya ako nagkaroon ng maraming subscribers because through the years, I was able to establish my credibility to them, na kapag ako’y nagbibigay ng serbisyo publiko, eh, I really mean it and I’m very sincere in helping them, na hindi yung pakitang tao lamang.”
Maliban kay Raffy, may ilan pang Pinoy na namamayagpag din sa larangan ng pagba-vlog. Kabilang na dito sina actress-host Alex Gonzaga at Ivana Alawi na kagaya ni Raffy ay milyon-milyon din ang subscribers.
The post Saludo ang mga netizen kay Raffy Tulfo dahil malaking bahagi ng kita niya sa YouTube ay binibigay sa mga nangangailangan appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments