Chito Miranda, aminadong mas malaki ang kinikita kesa sa kanya ni Neri sa online selling kaya nakakabili ng properties

Sobrang proud si Chito Miranda sa asawang si Neri Naig kahit pa nahigitan nito ang kanyang kinikita mula sa kanyang mga band gig.

Credit: Chito Miranda Instagram       

Kamakailan lamang ay masayang ibinahagi ni Chito sa kanyang Instagram account ang bagong achievement ni Neri bilang isang businesswoman.

 

View this post on Instagram

 

Bumili si Neri ng 6000sqm na lupa…langya. Ako, kumikita pa rin ako sa pagbabanda. Thankfully, we still get our full TF for all our online shows. Nakakapag-provide pa rin ako for our family, at nabibili ko pa rin naman yung mga gusto kong baril. Pero di ako makakabili ng 6000sqm na lupa. She did this, after nya bilin yung lupa dito sa village na gusto ko, at yung condo nya sa Pico de Loro. Grabe. Tawagin nyo nang pagmamayabang dahil pinagmamalaki ko yung ginagawa ng asawa ko, or sabihin nyo nang nai-inggit ako dahil mas malaki na yung income nya compared to what I was making, even before the lockdown started…ok lang. For me, sobrang proud lang talaga ako (paano ako magyayabang, eh achievements nya yan…not mine✌🏼😂), and instead na inggit, I’m honestly inspired by what she is doing. Katas yan ng tuyo at kape…at ng suka, at ng beddings, at ng affordable na alahas, pajama, and soon, her own online shop. And recently, nakabenta sya ng 15 na lupa in less than a week…by utilizing her #teamwais network of resellers and distributors by making them referral agents for a licensed real estate company. All this was done online. At kung sasabihin ng iba na si Neri lang naman yung umuunlad, at dahil artista kasi sya…ang tanong ko is: una, sobrang sikat ba ni Neri to entirely use that as an advantage? At baka di lang din nila nabalitaan yung isang reseller ni Neri na nakabili ng dalawang sasakyan (isang car at isang van na pampick-up at pan-deliver ng tuyo) at yung isa naman na nakabili ng townhouse. Hindi artista yung mga yun, and online selling lang din yung ginawa nila…pero t*ngina, sobrang sipag nung mga yun. Bakit ka mahihiya mag-benta online, eh kung makakabili ka naman ng dalawang sasakyan? Mahihiya ka ba na panay benta mo sa FB at IG, pero may townhouse ka naman? Kung tulad ka ni Neri na walang paki sa sasabihin ng iba, at handa kang tutukan at paghirapan yung goals mo, umasa ka na magagawa mo din yung ginagawa nila. #WaisNaMisis Ako honestly, na-inspire na din ako gawin yung ginagawa ng asawa ko…actually, gusto ko syang tapatan! Gusto kong bumili ng mas malaking lupa hehe! Tara…gawin na natin ‘to. #MasWaisNaMister #TeamChito

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr) on

Nakabili kasi si Neri ng 6000 square meters na lupa na ayon kay Chito ay hindi raw niya kayang bilhin.
Inamin din ni Chito na kahit na mas maraming naipundar si Neri kaysa sa kanya ay hindi umano siya nakaramdam ng inggit. Bagkus ay mas na-inspire umano si Chito na magsikap dahil sa kasipagan ni Neri.

Credit: Chito Miranda Instagram

Kwento ni Chito sa caption ng kanyang Instagram post, “Tawagin nyo nang pagmamayabang dahil pinagmamalaki ko yung ginagawa ng asawa ko, or sabihin nyo nang nai-inggit ako dahil mas malaki na yung income nya compared to what I was making, even before the lockdown started…ok lang.”

Credit: Chito Miranda Instagram

Dagdag ng bokalista ng Parokya ni Edgar, “For me, sobrang proud lang talaga ako (paano ako magyayabang, eh achievements nya yan…not mine✌🏼😂), and instead na inggit, I’m honestly inspired by what she is doing.”

Credit: Chito Miranda Instagram

Lahat umano ng naipundar na ari-arian ni Neri ay katas ng pagsisikap niyang magbenta online. Ilan lamang sa mga produktong ibinebenta ni Neri ay mga tuyo, kape, suka, mga kumot, mga alahas at iba pa.

Ibinahagi rin ni Chito na maliban sa mga pagkain at gamit ay nagbebenta rin umano si Neri ng lupa online.

Credit: Chito Miranda Instagram

Ani Chito, “And recently, nakabenta sya ng 15 na lupa in less than a week…by utilizing her #teamwais network of resellers and distributors by making them referral agents for a licensed real estate company.”

Dahil sa mga natamo ng kanyang asawa, ay gusto rin umanong pasukin ni Chito ang mga ginagawang trabaho nito.

Credit: Chito Miranda Instagram

Ayon kay Chito, nais din umano niyang bumili ng lupa kagaya ni Neri. Aniya, “Ako honestly, na-inspire na din ako gawin yung ginagawa ng asawa ko…actually, gusto ko syang tapatan! Gusto kong bumili ng mas malaking lupa hehe! Tara…gawin na natin ‘to. #MasWaisNaMister”

Credit: Chito Miranda Instagram

Si Neri Naig ay kabilang sa unang batch ng Kapamilya talent search na “Star Circle Quest” kung saan ay naitinanghal siya bilang 6th runner up.

Credit: Chito Miranda Instagram

Noong December 2014 ay ikinasal si Chito at Neri matapos ang dalawang taon na pagiging magkasintahan. Biniyayaan sila ng isang anak na si Miguel ‘Miggy’ Alfonso.

The post Chito Miranda, aminadong mas malaki ang kinikita kesa sa kanya ni Neri sa online selling kaya nakakabili ng properties appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments