Ryzza Mae Dizon, ipinakita ang kanyang mas payat na pangangatawan na sinuportahan ng kanyang tagahanga

Kapansin-pansin ang mas payat na pangangatawan ni Kapuso Dabarkads Ryzza Mae Dizon ngayon base sa mga larawang ibinabahagi niya sa social media.

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram        

Malayong-malayo sa dati niyang katawan, ay kapansin-pansin na nagdadalaga na si Ryzza.

Nitong October 1, ay isang larawan ang ibinahagi ni Ryzza sa kanyang Instagram account kung saan ay makikita siyang nagpo-pose sa isang salamin. Kitang-kita ang mas payat na mga binti ni Ryzza na lalong nagpatangkad sa kanya.

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

Sa isa pang naunang IG post, makikita na pumayat din ang mukha ni Ryzza. Sa kanyang bagong ‘look’ ay mas kita na unti-unti nang nagdadalaga si Ryzza.

Kung noon, ay todo bungisngis si Ryzza na nakakadagdag sa kanyang cuteness, ngayon ay nagbago na ang kanyang mga ‘pose’ sa camera.

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

Sa mga larawan na ipinopost sa social media, ay mas ‘fierce’ at ‘mature’ na ang mga pose ni Ryzza.
Marami tuloy netizen ang nakapagsabi na bagay na bagay sa dating child actress ang ‘slimmer’ at ‘dalagang’ imaheng taglay niya ngayon.

Anila, ipagpatuloy lang daw umano ni Ryzza ang pagpapayat at hindi na umano sila makapaghintay na masilayan muli sa “Eat Bulaga” stage si Ryzza. Komento ng netizens:

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

“Ryzza you look slim! Good for you! Continue to be fit mas bagay sa u! You’re growing to be pretty more!”

“You’re so dalaga na ryzzamaedizon hope everything will be back to normal so we can see you all again in eb stage again, take care & stay safe always”

“Pa-dalaga ka na talaga. Take good care of yourself. You’re beautiful.”

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

“Ryza dalaga kn parang kailan lang…Ganda mo keep slaayin bhieeee”

“Nuxx, ryzza ibang iba kana talaga, dati napapanood lang kita sa the ryzza mae show Gandaaa”

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

Unang nakilala at sumikat sa Kapuso noontime show na “Eat Bulaga” si Ryzza nang sumali at manalo siya sa segment ng show na “Little Miss Philippines” taong 2012. Simula nang maitanghal na winner, ay nagkaroon ng sariling TV show si Ryzza sa Kapuso network na “The Ryzza Mae Show” na kinaaliwan noon ng mga manonood.

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

Sa ngayon, ay isa sa pinakabatang host ng “Eat Bulaga” si Ryzza, ang una ay si Sebastian Benedict o kilala bilang ‘Baste’.

The post Ryzza Mae Dizon, ipinakita ang kanyang mas payat na pangangatawan na sinuportahan ng kanyang tagahanga appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments