Isang nakakaaliw na video ang ibinahagi ni Kapuso actor Dingdong Dantes sa Instagram kamakailan lamang kung saan mapapanood ang isa sa mga bonding moment nila ng kanyang apat na taong gulang na anak na si Zia ngayong qu@rantine.
Sa video, makikita si Zia na kinakanta ang 1961 hit-song ni singer-songwriter Ben E. King na ‘Stand By Me’.
Maririnig sa video ang kamangha-manghang singing voice ni Zia. Nasa tono ang pagkanta ni Zia at sumusunod din sa timing ang pag-strum nito sa gitara.
Ikwenento ng “Descendants of the Sun” star na gabi-gabi ay dinadalaw umano siya ni Zia sa kanyang opisina pagkatapos niyang magtrabaho para makapag-bonding silang dalawa.
Ani Dingdong sa caption ng IG video, “Every night before we sleep, this little princess comes to my workspace as i send last minute emails and messages, complete my voice over for Amazing Earth, and pack up my stuff to wrap up the busy day.”
Ayon sa aktor, limang buwan na siyang nag-aaral na tumugtog ng gitara at paminsan-minsan daw ay sinasamahan siya ni Zia sa pagpa-praktis.
Kwento ni Dingdong, “Occasionally, she would join me as i struggle to learn new songs on the guitar— as of writing, it’s already 5 months since I started my formal lessons with @yanyuzon — and I haven’t even completed any of the three (3) songs that I have been practicing on!!”
Wala ring kamalay-malay si Dingdong na habang tinutugtog niya ang ‘Stand By Me’, na paborito umano niyang tugtugin, ay nakikinig pala si Zia sa kanya.
Aniya, “But there’s this one song that’s a favorite of mine. And little did i know that someone was always listening closely while I play the song.”
Sa pambihirang pagkakataon nga na iyon, nag-request daw si Zia na kantahin nilang dalawa ang nasabing kanta.
“Tonight, that little one just walked up to me while i was in the middle of studying ‘I am I Said’ of Neil Diamond. She went behind the guitar, hugged it from my standpoint, and started to strum. She said, ‘Dad, let’s sing this song,’ ani Dingdong.
Inamin ni Dingdong na natunaw ang kanyang puso nang marinig si Zia na kumanta. Ani Dingdong, “She did her thing. She strummed— not yet with chords ha— and sang. In the process of executing each stroke, each breath— i was melting.”
Sa huli, isang ‘heartwarming message’ ang inihayag ni Dingdong para sa kanyang anak.
Mensahe ni Dingdong, “She calls this song When The Night… Well, she can call it whatever she wants. What’s sure is that i’ll stand by her, even if the moon is the only light we’ll see! Naaakanam!! ”
Si Maria Letizia o Zia ay ang panganay na anak nina Dingdong at Marian Rivera.
The post Anak nila Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia, ipinamalas ang galing sa pagkanta habang tumutugtog ng gitara kasama si Dingdong appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments