Bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby, sobrang tangkad na!

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang bunsong anak ni ‘Queen of All Media’ Kris Aquino na si Bimby Yap.Kamangha-mangha kasi ang height nito sa edad na 13 taong gulang.Nag-viral ang Instagram post ni Kris kung saan makikita si Bimby na sobrang tangkad na.

Credit: KRIS AQUINO INSTAGRAM

Napakabilis ng takbo ng oras dahil ngayon hindi na matatawag na ‘little bunso’ ni Kris si Bimby dahil sa height nitong 6 foot tall.Sa larawan na ibinahagi ni Kris ay kitang-kita na sa tangkad ni Bimby ay hanggang balikat lang siya ng kanyang anak.Ayon pa sa caption ng IG post ni Kris, hindi umano siya lumiit talagang patuloy lang ang pagtangkad ni Bimby.

Credit: KRIS AQUINO INSTAGRAM

Ani Kris, “hello? i’ve missed you…(i didn’t shrink-my bunso just keeps growing taller”
Sa naunang post ni Kris sa Instagram, ay makikita si Bimby at ang kanyang kuya na si Josh na halos magkasingtangkad na. 25 taong gulang na ang panganay ni Kris na si Josh at sa kasalukuyan ay 6.2 foot tall na ito.

Credit: KRIS AQUINO INSTAGRAM

Inamin naman ni Kris na malaking factor umano ang DNA o genes kaya sobrang tatangkad ng kanyang mga anak. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat, si Bimby ay anak ng basketball star na si James Yap. Mukhang naman nito ang height ng ama.Ngunit maliban sa genes, isa rin umano ang pag-inom ng gatas na nakatulong para sa mabilis na paglaki at pagtangkad ng kanyang mga anak.

Credit: KRIS AQUINO INSTAGRAM

Kwento ni Kris sa caption ng IG post, “sagutin ko na in advance- yes, DNA is a big factor- but up to now Bimb starts his day with a big glass of fresh milk with milo, no longer something we endorse but kinalakihan ni Bimb- and medyo weird but when i was weaning him from the bottle, i was able to convince Bimb to drink fresh milk by still mixing 2-3 scoops of nido into the big glass 🥛… the 2 are dedicated milk drinkers, and my friends know my coffee is actually milk w/ a bit of coffee- so we’re a family of milk drinkers… i like semi skimmed, vitamin enriched milk.”

 

View this post on Instagram

 

hello? i’ve missed you… (i didn’t shrink- my bunso just keeps growing taller.) 🤍🤍🤍

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on


Dagdag ni Kris, “Kuya is 6’2, basing it from this picture it’s safe to say 13 year old Bimb is now a 6 footer. #family”Magbibigay umano si Kris ng update kung mapapantayan na ba ni Bimby ang height ni Josh ngayong December.

Umani naman ng maraming reaksyon mula sa Netizens ang IG post ni Kris.Ani netizens:
“OMG Bimby tangkad muna parang kailan lang. Keep safe Aquino family. Love love💗💗
“Anu vitamins po nya para tumangkad”
“13 years old ganyab na ka Tanglad so bimby 😱
“Oh miss kris sobrang taas ni bimbi mana sa daddy…”

The post Bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby, sobrang tangkad na! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments