Princess Pacquiao, nakatanggap ng isang espesyal na birthday party mula sa kanyang mga magulang na sina Sen. Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao

Isang espesyal at masayang birthday party ang inihanda nina Senator Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao para sa ika-14 na kaarawan ng kanilang anak na si Mary Divine Grace o mas kilala ng lahat bilang ‘Princess’.Nitong Biyernes, October 2 ay nagbahagi ng ilang larawan si Jinkee sa kanyang Instagram kuha mula sa birthday party ni Princess.

Credit: Jinkee Pacquiao instagram

Caption ni Jinkee sa IG post, “Happy 14th Birthday Princess. We love you soooo much! 💜
Base sa mga ibinahaging larawan ni Jinkee, ginanap ang birthday celebration sa kanilang malawak na mansyon sa General Santos City.

Credit: Jinkee Pacquiao instagram

Pink, purple at white color ang napiling color motif ng birthday party. Maliban dito, ay pinalibutan din ng ilang mga larawan ni Princess ang venue ng party.Naipakita na ni Jinkee kamakailan sa kanyang house-tour vlog ang event hall ng kanilang mansyon na katabi lang ng kanilang napakalaking swimming pool.

Credit: Jinkee Pacquiao instagram

Ginawang extra-special naman nina Manny at Jinkee ang dekorasyon ng upuan ni Princess.
Kagaya ng isang tunay na royalty, ay may nakalaan na isang pink throne chair para kay Princess na napapalibutan ng pink at purple balloons.

Credit: Jinkee Pacquiao instagram

Kitang-kita naman sa mga larawan na masayang-masaya si Princess sa inihandang birthday party ng kanyang mga magulang. Game na nag-pose ang birthday celebrant sa isang malaking photo frame. Epic at fun talaga ang birthday party ng prinsesa nina Manny at Jinkee!

Credit: Jinkee Pacquiao instagram

Samantala, bakas naman ang pasasalamat at pagmamahal ni Princess para sa kanyang mga magulang.Sa isang larawan, makikita si Princess na niyayakap nang mahigpit ang kanyang Mommy Jinkee. Sa isang pang larawan, makikitang niyayakap naman ni Manny ang anak habang nagbibigay ng mensahe para rito.

Credit: Jinkee Pacquiao instagram

Hindi naman mawawala sa mga birthday party ng mga Pacquiao ang thanksgiving prayer. Sa isang larawan, makikita ang buong pamilya na nagdadasal.Sa Instagram story naman ni Manny, ay isang ‘Happy Birthday’ message ang ibinigay niya para kay Princess.

Credit: Jinkee Pacquiao instagram

Dahil nasa qu@rantine pa rin ang bansa, malalapit na relatives at mga kaibigan lang muna ng pamilyang Pacquiao ang nakadalo sa birthday party.Samantala, kamakailan lamang ay umabot na sa 1 milyon ang subscriber ni Princess sa kanyang YouTube channel, isang bagay na maituturing na napakagandang regalo para sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

Happy 14th Birthday Princess. We love you soooo much! 💜

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on

The post Princess Pacquiao, nakatanggap ng isang espesyal na birthday party mula sa kanyang mga magulang na sina Sen. Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments