Bianca Gonzalez at JC Intal, nagpahapyaw sa netizens ng kanilang ‘dream house’

Isa sa mga ‘goal’ ng bawat mag-asawa ay ang maipatayo ang kanilang pinapangarap na bahay na siyang magsisilbing tahanan ng kanilang bubuuing pamilya.
Unti-unti na ngang naaabot ng celebrity couple na sina TV host Bianca Gonzalez at basketball star JC Intal ang kanilang pangarap na bahay para sa kanilang pamilya.

Credit: Bianca Gonzalez Intal instagram

Sa Instagram nitong October 2, ay isang pasilip sa kanilang ipinapatayong bahay ang ibinahagi ni Bianca.Sa larawan na kanyang ibinahagi ay makikita ang kanilang bahay na malapit nang matapos. Tanging ang gawang hagdanan lang ang ipinakita ni Bianca sa larawan.

Credit: Bianca Gonzalez Intal instagram

Ayon sa caption ng IG post ng TV host-writer, katas ng kanilang pinagsamahang pawis, luha at ilang oras na pagtatrabaho ang nasabing bahay. Bukod dito, ay magkasama rin sina Bianca at JC na nag-ipon, nagtiyaga at nagdasal para maipatayo ang kanilang dream home.
Ani Bianca, “A combination of my husband and my sweat and tears, hours of hard work every day, saving, paying it forward, patience, perseverance and prayers for our goals and dreams to slowly come together. 🌟🙏🏡

Credit: Bianca Gonzalez Intal instagram

Kwento pa ni Bianca sa comment section ng IG post, hindi na raw ‘bachelor home’ ang kanilang bahay kung hindi pang-pamilya na.Aniya, “Hindi na bachelor home!!! Pang pamilya na [laughing emojis]”Sa comment section ng post, ipinahayag ng mga kasamahan ni Bianca sa showbiz ang kanilang pagbati para sa new milestone na naabot ng mag-asawa.


Komento ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga, “God is good! Congrats ate”
Mensahe naman ng isa sa mga matalik na kaibigan ni Bianca na si Isabelle Daza, “So happy for you B!!! You deserve it”Sabi naman ni Mariel Padilla na kasamahan noon ni Bianca sa pagho-host ng Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother”, “Yay!!!!!! So happy for you!!! [heart emoji]

Credit: Bianca Gonzalez Intal instagram

December 2014 nang ikasal sina Bianca at JC. Pagkalipas lamang ng 10 buwan, ay winelcome ng mag-asawa ang kanilang panganay na anak na si Lucia Martine. Noong October 29, 2018 naman ay dumating sa kanila ang ikalawang anak na pinangalanan nilang Carmen Eliana.

Credit: Bianca Gonzalez Intal instagram

The post Bianca Gonzalez at JC Intal, nagpahapyaw sa netizens ng kanilang ‘dream house’ appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments