“AngBeKi” o Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu, masayang ipinagdiwang ang kanilang 3rd anniversary bilang magkakaibigan sa Subic

Tatlong taon nang matatag ang pagkakaibigan nina Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu o mas kilala ng lahat bilang “AngBeKi”. Masayang ipinagdiwang ng magkakaibigan ang kanilang ikatatlong anibersaryo sa Subic, Zambales.

Credit: Kim Chiu YouTube

Sa isang vlog na ibinahagi ni Kim sa kanyang YouTube channel nitong October 3, ibinahagi niya kung paano nila ipinagdiriwang ang kanilang friendship anniversary.

Credit: Kim Chiu YouTube

Sa unang bahagi ng vlog, ay ginawa ng “AngBeKi” ang nakagawian na nilang magkakaibigang gawin- ang mang-gate-crash o pumunta sa isang party na hindi naman sila imbitado.

Credit: Kim Chiu YouTube

Kwento ni Kim, “Since it is our anniversary, why not gate-crashed a party again? Gate crasher kasi kami ng party. So, why not, hindi mag-gate-crash ulit ng birthday party?”

Credit: Kim Chiu YouTube

Unang beses itong mag-out-of-town ng “AngBeKi” na sila lang ang magkakasama at sa panahon pa ng qu@rantine.

Credit: Kim Chiu YouTube

Kahit mga gate crasher lang ay naging masaya naman ang tatlo sa pinuntahan nilang party na dinaluhan din ng aktres na si Cherry Pie Picache.

Credit: Kim Chiu YouTube

Maliban sa pang-gi-gate-crash ay nagpunta rin sa isang isla ang “AngBeKi”. Sa vlog makikita ang tatlo na masayang nagkukulitan sakay ng isang speedboat papunta sa isang isla sa Subic.
Nagbabad at nag-bonding ang tatlo sa isla.

Credit: Kim Chiu YouTube

Sa kanilang social media account ay kanya-kanyang post ang tatlong artista.
Saad ni Angelica sa kanyang IG post, “Naging sapat ang buhay dahil sa inyo [sun emoji]”

Ani naman ni Bela, “Daming quotes na applicable saming tatlo, pero kay Kimmy na yun hahaha [laughing emoji]”

Credit: Kim Chiu YouTube

Para naman kay Kim, sa kabila ng hindi nila madalas na pagkikitang tatlo ay umaapaw naman daw ang kasiyahan nila kapag nagkakasama na.

Credit: Kim Chiu YouTube

Saad ni Kim, “Hi everyone! Celebrating our 3 years of friendship. We may not see each other that much because of our busy schedules, but when we do it, it’s always a R!OT of FUN!!!”

Credit: Kim Chiu YouTube

Pag-amin pa ni Chinita Princess, maswerte raw siya dahil mayroon siyang matatawag na tunay na kaibigan sa katauhan nina Angelica at Bela.

Pahayag ni Kim, “As the saying goes, ‘We all have that friend who you may not see very often, but when you reconnect it just feels like yesterday.’ I am lucky to call them my friends!”

Credit: Kim Chiu YouTube

Sa mga hindi nakakaalam, nabuo ang pagkakaibigan ng “AngBeKi” noong 2017 nang magkita silang tatlo sa isang party kung saan ay nang-gate-crash sina Kim at Bela.

The post “AngBeKi” o Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu, masayang ipinagdiwang ang kanilang 3rd anniversary bilang magkakaibigan sa Subic appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments