Masayang ibinahagi ni ‘The Voice Kids’ first winner Lyca Gairanod ang bahay na naipatayo niya para sa kanyang pamilya.
Sa kanyang house-tour vlog nitong October 6, ay ikinwenento ni Lyca na malapit lamang umano ang bagong bahay na naipundar niya sa kanilang lumang bahay kung saan siya lumaki at nadiskubre ang kanyang talento sa pagkanta.
Kwento ni Lyca, kaya niya ipinagawa ang bahay ay para umano madali lang niyang mabisita ang dating tinitirhan.
Kwento ni Lyca, “Pinagawa ko ‘tong bahay na ‘to para may matutuluyan kami ng family namin just in case makita ulit namin ‘yung bahay namin. Nandiyan
lang din ‘yung bahay namin. Malapit lang din. Konting lakad lang.”
Dagdag ni Lyca, “Minsan dito si Lola nag-sstay ‘pag gusto niya na magpahinga ganu’n. Minsan lang siya napunta du’n sa bahay kasi ‘di pa naman tapos ‘yun.”
Sa vlog, ay ibinahagi ni Lyca ang kitchen at dining area, ang kanilang closet pati kwarto nilang magkakapatid.
Simple lamang umano ang naipatayo niyang bahay ngunit nagpapasalamat si Lyca dahil nakapagpatayo siya ng isang bahay kung saan komportableng makakatulog ang kanyang pamilya.
Ani Lyca, “Plain man ang bahay na ito, hindi man kalakihan, at least nakapagpahinga tayo nang maayos and okay naman itong bahay na ‘to.
Ayon kay Lyca, marami pa umano siyang plano para sa bahay na sa pagdating ng panahon ay ibabahagi rin niya sa kanyang mga tagahanga.
Aniya, “Actually, may mga plans pa ako sa bahay na ‘to. Soon malalaman n’yo din.”
Proud din na ibinahagi ni Lyca ang natanggap niyang Silver Play Button mula sa YouTube dahil nakakuha siya ng mahigit 100K subscriber sa YouTube.
Saad ni Lyca, “Sinabit ko siya dito guys dahil napaka-importante nito sa akin nitong play button. Next time guys, magiging dalawa na ‘yan kasi road to one million na tayo.”
At nagkatotoo naman ang hiling ni Lyca dahil sa panahon na isinusulat ito ay mayroon nang mahigit 1 million subscriber si Lyca.
Si Lyca Jane Epe Gairanod ay itinanghal bilang kauna-unahang champion ng the ‘The Voice Kids Philippines’ taong 2014. Siyam na taong gulang pa lang noon si Lyca nang sumali sa kumpetisyon.
Ang kanyang pagkapanalo ay nagbukas ng maraming oportunidad para sa kanya bilang isang mang-aawit. Kabilang sa mga naiuwing premyo ni Lyca ay 1 milyong piso , isang bahay at lupa, home appliance at musical instrument showcase at isang recording contract sa ilalim ng MCA Universal.
The post Lyca Gairanod, masayang ibinahagi ang ipinatayong bahay para sa kanyang pamilya appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments