Kilalanin kung sino at kung saan nanggaling ang kinoronahang Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo

Tunay nga na ang gandang Pilipina ay hindi kumukupas, lumipas man ang ilang dekada.

Credit: Rabiya Mateo Instagram         

Mula sa isang mala glamurosong patimpalak na ginanap noong October 25, ang kauna-unahang Miss Universe Philippines 2020 ang siyang nangibabaw at sinubaybayan ng karamihan.

Sa kaniyang angking ganda, talento at likas na katalinuhan, hindi na kataka-takang maiuuwi ng isang ‘Ilongga Beauty’ na si Rabiya Mateo ang korona at titulo bilang isang Miss Universe Philippines 2020.

Credit: Rabiya Mateo Instagram

Si Rabiya ay nakapagtapos sa kursong Bachelor of Science Degree in Physical Therapy sa Iloilo at nakamit ang karangalan bilang isang cum laude student. At ngayon na isang licensed Physical Therapist na si Rabiya, napili nito na ibahagi ang kaniyang kaalaman at natutunan bilang isang lecturer sa mga piling review center sa kanilang lugar.

Credit: Rabiya Mateo Instagram

Lumaki man ang beauty queen sa isang broken family, hindi naging hadlang ito para sa kaniya upang tuparin ang kaniyang pangarap at maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya.

Credit: Rabiya Mateo Instagram

Kaya naman nang magkaroon ng oportunidad na makasali si Rabiya sa Miss Iloilo 2019, ito ay kaniyang tinanggap at nagwagi naman kalaunan.

Credit: Rabiya Mateo Instagram

Ito man ang unang beses na pagsali sa isang beauty pageant, hindi naman ito naging hadlang para sa kaniya upang makuha ang korona.

Credit: Rabiya Mateo Instagram

Sa kabila man ng kaniyang nakamit na tagumpay ngayon, hindi naman nakalimutan ng beauty queen na pasalamatan ang mga taong tumulong sa kaniya.

“I just wanna thank all the people who had helped me in this journey.”

Credit: Rabiya Mateo Instagram

“For most of the projects we have, I couldn’t even pay you guys a single cent and you still helped me because you are the kindest people on Earth. I share this crown with each and every one of you!”

Credit: Rabiya Mateo Instagram

Sa huli nais pa din ni Rabiya na maging positibo at ituloy ang pangarap na kaniyang nasimulan, at dalhin ang bansang Pilipinas sa tagumpay na naghihintay para sa kaniya.

Credit: Rabiya Mateo Instagram

“At the end of the day, this is a competition. And being the bigger person in the picture, I need to understand where they are coming from. That’s what a queen should do and should act,”

Credit: Rabiya Mateo Instagram

Sa ngayon ay wala pang eksaktong petsa kung kailan gaganapin ang pinaka-inaabangan ng publiko na Miss Universe 2020.

The post Kilalanin kung sino at kung saan nanggaling ang kinoronahang Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments