Doug at Chesca Kramer, naghanda ng simpleng Moving-Up Ceremony para sa tatlong anak

Ang pamilyang Kramer ay isa sa mga hinangaan at nagsilbing modelo sa karamihan, pagdating sa pagkakaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya.

Credit: Doug Kramer Instagram    

Sa kabila ng pagiging isang sweet at loving husband ni Doug Kramer sa kaniyang asawa na si Cheska Garcia-Kramer, hindi naman mawawala ang kaniyang pagiging supportive father, para sa kanilang tatlong anak na sina Kendra, Scarlett, at Gavin.

Upang labis na maipadama ang kaniyang suporta sa mga anak, naisipan ni Doug na gumawa ng isang sorpresa bilang pagkilala sa kasipagan na ipinakita ng mga ito sa kanilang pag-aaral.

Credit: Doug Kramer Instagram

Mula sa Instagram post ni Doug kahapon, makikita ang kasiyahan sa mga mukha nila Kendra, Scarlett at Gavin habang hawak-hawak ang tila`y sertipiko ng kanilang pagtatapos sa baitang na kanilang kinuha.

“Adapting to change. 😊 Even though there are restrictions to this new normal, it doesn’t mean we can’t recognize our kids efforts for the passed homeschooling year. So we did a little surprise for them, which I vlogged and will release later today, and it included a little awarding ceremony to affirm them of the good character they’ve exhibited throughout the year. The fruits of the spirit awards! 🙏😍

Credit: Doug Kramer Instagram

Inisa-isa ni Doug sa kanyang post ang baitang ng kanyang mga anak.

“Gavin graduated from Kinder to Grade 1.
Scarlett moved up from Grade 3 to 4.
Kendra moved up from Grade 5 to 6.”

Credit: Doug Kramer Instagram

Pagdating naman sa naturang sorpresa ni Doug, kapansin-pansin rin ang naging backdrop design nito magmula sa Silver and Gold letter balloons, na sinamahan din ng Silver tinsel strands na nagbigay kagandahan sa naturang seremonya.

Isang blessing umano para kay Doug, na mabigyan ng pagkakataon na maturuan ang kaniyang mga anak na mahubog ang kanilang karakter.

Credit: Doug Kramer Instagram

“So blessed to spend time with our kids, to mold their character and allow them to flourish in this set up! I take no credit in their academic progression, that’s all @chekakramer and teacher @raycynenriquez! So proud of everyone! Have a blessed day! 🙏❤😍

Bukod pa dito makikita rin ang kanilang munting salu-salo upang masulit ang espesyal na selebrasyong ito para sa kaniyang mga anak.

Credit: Doug Kramer Instagram

Ikinasal si Doug at Cheska noong October 9, taong 2008 sa Blue Leaf Events Place in McKinley Hill, sa Taguig City.

The post Doug at Chesca Kramer, naghanda ng simpleng Moving-Up Ceremony para sa tatlong anak appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments