Janno Gibbs, nagtime-out muna sa trabaho para makapagbakasyon kasama ang pamilya sa Balesin Island

Ang batikang aktor at mahusay na singer na si Janno Gibbs ay patuloy na hinangaan at sinubaybayan ng publiko magmula sa kaniyang mga awitin at pelikula na pumatok sa masa.

Credit: Janno Ilagan Gibbs Instagram     

Sa kabila ng katanyagan sa kaniyang karera ngayon, pinasok na din ni Janno ang pagiging isang co-host ng isang panibagong noontime variey show ang “Happy Time”, na nagsimulang umere noong September 14 sa NET 25 channel.

“We at Happy Time are humbled to even be part of the noontime lineup. We are here to give the audiences an alternative. Were having good clean fun at Net 25. Happy time/Now showing ❤

Credit: Gabriella Loyzaga Gibbs Instagram

Nakasama rin ng aktor sa naturang show, ang aktres at komedyante na si Kitkat pati na rin ang mahusay na aktor na si Anjo Yllana.

Busy man sa kaniyang trabaho ngayon, hindi nakakaligtaan ni Janno na magbigay ng oras at panahon para sa kaniyang pamilya upang makasama ang mga ito.

Credit: Janno Ilagan Gibbs Instagram

Kaya naman nitong September 30 ay isang masayang family getaway ang kaniyang idinaos kasama ang asawa na si Bing Loyzaga, at dalawang anak na sina Gabriella at Alyssa.

Upang masulit ang panahon na sila ay magkakasama, naisipan nilang buong pamilya na magbakasyon sa isang exclusive resort sa Balesin Island, na siyang matatagpuan naman sa Lamon Bay, sa Quezon.

Credit: Alyssa Loyzaga Gibbs Instagram

Magmula sa kanilang pinuntahang resort ay tiyak na magugustuhan ng sino mang magpupunta dito, ang kagandahan ng lugar at ang sariwang simoy ng hangin na nagmumula sa kalawakan ng dagat.

Credit: Alyssa Loyzaga Gibbs Instagram

Makikitang tila`y naging isang masayang bonding moments ito, para kina Janno at sa kaniyang pamilya ang makapag-relax at panandaliang kalimutan ang stress at problema.

Dahil sa masayang family getaway na ito, maraming netizen naman ang natuwa at nagbigay ng kanilang reaksyon patungkol sa kaniyang pamilya.

“The gibbs away😂❤❤❤❤❤❤ love the whole fam😍😍😍

Credit: Gabriella Loyzaga Gibbs Instagram

“Your so bless to have a family always together in every happy moments..keep safe !!!”

“Wow naman idol 😍😍 What a cute and blessed family!🥰🥰

“Love this family photo of yours! Such a lovely family 😍💖💖💖 God bless! 🥰

“Happy family ❤👏ganda ganda ng 3 magiina..xempre gwapoo ang jano namin 😘👏❤

The post Janno Gibbs, nagtime-out muna sa trabaho para makapagbakasyon kasama ang pamilya sa Balesin Island appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments