Kilalanin kung sino ang espesyal na mystery guy na kasama ni Erich Gonzales na nagdiwang ng kanyang 30th birthday

Maraming netizen ang naintriga kung sino ang lalaking kasama ni Kapamilya actress-vlogger Erich Gonzales na nagdiwang ng kanyang ika-30 taong kaarawan na mapapanood sa unang bahagi ng pinost niyang birthday vlog sa kanyang YouTube channel.

Credit: Erich Gonzales YouTube       

Sa vlog, makikita si Erich na kumakanta ng “Happy Birthday” sa loob ng isang mamahaling sasakyan.
Habang kumakanta ang aktres, maririnig sa vlog ang pagbati ng mystery guy ng “Happy Birthday”. Kinikilig na nagpasalamat naman si Erich sa mystery guy.

Mapapanood din sa vlog ang ‘date’ ng dalawa sa isang coffee shop at steak restaurant. Pagkatapos ng buong araw na pagdiriwang ni Erich ng kaarawan kasama ang nasabing mystery guy ay maririnig si Erich na nagpasalamat dito.

Ani Erich, “Thank you for today.”

Tugon naman ng mystery guy, “You’re welcome.”

Credit: Erich Gonzales Instagram

Nagbigay naman ng ‘clue’ si Erich kung sino ang msytery guy na kasama niya sa kanyang birthday vlog.

Nitong October 1, nag-post ng isang larawan si Erich sa kanyang Instagram kuha mula sa parehong coffee shop na pinuntahan nila ng mystery guy na nakita sa kanyang birthday vlog.

Credit: Mateo Lorenzo Instagram

Sa caption ng Instagram photo, ay naka-tag ang isang Instagram account name na ‘@mr.todomundo.’ Kung bibisitahin ang naka-tag na IG account ay tatambad ang pangalang ‘Mateo Lorenzo’.

 

View this post on Instagram

 

📷 @mr.todomundo

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg) on

Credit: @beardedpinoy Instagram

Base sa mga impormasyon na mababasa online, si Mateo ay nagmula sa isang mayamang angkan ng Lorenzo sa bansa. Isa si Mateo sa 12 anak ng business magnate na si Martin Lorenzo.

Kabilang sa mga kumpanya na pinamamahalaan ng kanyang ama ay ang Pancake House Holdings, Dencio’s Food Specialists Inc. at Teriyaki Boy Group. Maliban dito, ang pamilya ni Mateo ay mayroon ding real-estate at malaking sugar-milling business sa Pilipinas.

Credit: Mateo Lorenzo Instagram

Nagtapos sa kursong Business Engineering sa Ateneo de Manila University si Mateo at kumuha siya ng Master of Business Administration (MBA) sa The Wharton School of the University of Pennsylvania, isang pribadong Ivy League university sa Philadelphia, USA.

Base sa kanyang IG bio mahilig si Mateo sa sasakyan, Show Jumping at agriculture.

Credit: Erich Gonzales Instagram

Dahil dito, umugong ang mga balitang si Mateo ang napabalitang mayaman at masugid na manliligaw ni Erich noon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mateo Lorenzo (@mr.todomundo) on

Matatandaang taong 2018 ay inamin ni Erich na mayroon siyang “consistent” at “persistent” suitor. Noong 2019 naman ay inamin din ni Erich na mayroon siyang idini-date na non-showbiz guy.

Hindi naman nagbigay ng ibang detalye si Erich kung sino ang idini-date niya. Gusto umano kasi ng aktres na isapribado ang kanyang love life.

Ayon pa sa aktres sa Q&A vlog episode niya, nais umano niyang protektahan ang isang bagay na “precious” at “beautiful” para sa kanya. Dagdag ni Erich, “I don’t wanna ruin it, so sa akin na lang ‘yun.”

Credit: Erich Gonzales Instagram

Sa kabila ng mga balitang ito ay wala pang opisyal na kumpirmasyon ang aktres sa tunay na estado ng kanyang relasyon kay Mateo.

The post Kilalanin kung sino ang espesyal na mystery guy na kasama ni Erich Gonzales na nagdiwang ng kanyang 30th birthday appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments