Arabong employer, hinangaan dahil sa ipinapakitang magandang pagtrato sa kanyang mga Pinay kasambahay

Marami sa ating mga kababayang Pinoy ang nakikipagsapalaran na magtrabaho sa ibang bansa para lamang mabigyan ng maganda at komportableng buhay ang kanilang pamilya.

Credit: I Love Natividad Facebook

Tinitiis nila ang kalungkutan na nararamdaman na dala ng pagiging malayo nila sa kanilang pamilya para lamang matiyak na maayos ang sitwasyon ng kanilang mga asawa at anak na iniwan nila sa Pilipinas.

Mas doble ang dagok na dala ng pagiging Overseas Filipino Worker (OFW) lalo na kapag napunta sila sa isang hindi makataong banyagang amo o employer.

Credit: I Love Natividad Facebook

Pangkaraniwan nating marinig sa balita ang kwento ng mga OFW na naging biktima ng hindi magandang pagtrato ng kanilang banyagang amo.

Labis naman ang ating tuwa sa tuwing may nababalitaan tayong mga banyagang amo na pamilya kung ituring ang kanilang mga kasambahay.

Kagaya na lamang ng makikita sa video na ibinahagi sa Facebook page na “I Love Natividad”. Ipinapakita sa video ang kamangha-manghang kabaitan ng pamilyang Arab sa kanilang mga Pinay kasambahay.

Credit: I Love Natividad Facebook

Tila bahagi ng kanilang pamilya ang mga Pinay kasambahay dahil kasama nila itong kumakain sa hapagkainan.

Mapapanood din sa video ang hindi maitagong ngiti ng mga kasambahay.

Sa video, ay makikita na masaya ring nakikipag-kwentuhan ang among Arabo sa kanilang mga kasambahay.

Credit: I Love Natividad Facebook

Caption ng video, “Bihira makatagpo ng ganitong kabait na among arabo na ituring kang tunay na kapamilya lalo na sa hapagkain….Allah bless you Baba”

Ang mga tagpo sa video ay nagpapatunay lamang na hindi lahat ng mga banyagang amo ay m@lup!t sa kanilang mga kasambahay. Mayroon din kasing mga banyagang amo katulad ng pamilyang Arab na napanood sa video na binibigyan ng importansya at itinuturing na pamilya ang kanilang mga kasambahay.

Credit: I Love Natividad Facebook

Hindi natin maiwasang hilingin din na lahat ng mga OFW, maging sa Middle East o saan man sa mundo, ay makahanap din ng isang banyagang employer na pahahalagahan sila at magmamahal sa kanila tulad ng makikita sa video.

The post Arabong employer, hinangaan dahil sa ipinapakitang magandang pagtrato sa kanyang mga Pinay kasambahay appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments