Maraming Kapamilya stars ang nawalan ng trabaho bunsod ng pagbabasura ng kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN network. Isa nga si Loisa Andalio sa mga artistang nawalan ng trabaho sa gitna ng p@ndemya.
Nitong October 19, ay emosyonal na ikinuwento ni Loisa sa “Magandang Buhay” ang pagsubok na pinagdaanan niya ngayong panahon ng qu@rantinie dahil sa pagkawala ng kanyang hanapbuhay.
Ayon kay Loisa, isa umano sa pinakamahirap na naranasan niya sa gitna ng p@ndemya ay ang mawalan ng trabaho.
Kwento niya, “Pinaka-challenge talaga ‘yung walang work. Kasi bilang breadwinner, ‘di ba, mahirap. Ikaw ‘yung inaasahan ng family mo. Kasi, kumbaga, ikaw ‘yung may pinaka-okay na trabaho noon, eh. ‘Tapos biglang nawala…”
Dagdag pa ni Loisa, sobrang hirap umano sa parte niya na mawalan ng trabaho dahil siya ang tumatayong breadwinner ng kanilang pamilya.
Kahit kasi kumikita ang kanyang mga kuya ay sapat lamang umano ang kinikita ng mga ito para sa kanilang sariling pamilya, kaya kailangan din talaga umano niyang magtrabaho.
Aniya, “Tapos sila din naman, hindi naman ganoon talaga…’Yung sinusuweldo ng mga kuya ko, tama lang naman sa mga anak nila din…So, mahirap, sobrang hirap.”
Bigla namang tumulo ang mga luha ni Loisa habang ibinabahagi sa mga host ng show na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal ang pinagdaanang niyang hirap nang mawalan siya ng trabaho.
Madalas kasi raw ay tinitiyak niya na hindi ipakita sa kanyang pamilya na nahihirapan siya para hindi mag-alala ang mga ito.
Kwento ni Loisa, “Pero mas pinapakita ko sa family ko [na], ‘Wala ito, okay lang ito. Okay lang wala akong trabaho, huwag niyong isipin.’ Pero deep inside, s’yempre, hindi okay, eh.”
Gayunpaman, ay pinipilit ng aktres na magpakatatag para sa pamilya. Ani Loisa, “Pero pinipilit ko silang sabihan na, ‘Okay lang iyan, malalagpasan natin ito.’Kumbaga, pagsubok din lang talaga ito, eh.”
Dagdag ni Loisa, “Kumbaga, laging dumadaan ‘yung ganitong nangyayari sa mundo. Kailangan din mo lang talagang magtiwala.”
Ibinahagi rin ni Loisa na ngayong panahon ng qu@rantine ay mas napalapit umano siya sa Diyos.
Saad niya, “At saka itong qu@rantine din, nagpalapit sa atin sa Diyos. Kumbaga, ‘yun na din talaga ‘yung pinanghahawakan ko, ‘yung mga pangako Niya.”
Sa huli, isang mensahe ang ibinigay ni Loisa para sa kanyang pamilya.
Aniya, “Lagi kong sinasabi sa inyo, kumbaga, ito ‘yung buhay. kailangan lang nating i-enjoy.Huwag kayong masi-stress kung anumang problema. Problema lang iyan. Ang isipin n’yo lang, malakas ka, malakas tayo…Ganyan lang, stay strong sa atin.”
Si Loisa ay unang nakilala nang sumali siya sa 5th regular season ng Pinoy Big Brother na “Pinoy Big Brother: All In” taong 2014.
The post Loisa Andalio, napaiyak nang ikwento ang hirap na kanyang pinagdaanan nang mawalan ng trabaho sa gitna ng p@ndemya appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments