Itong mga nakaraang buwan ay nanatili lamang sa kani-kanilang mga bahay ang mga pilipino dahil sa kinakaharap na p@ndemya ng buong mundo. Dahil dito ay marami ang nagpamalas ng galing sa pagluto at paggawa ng mga bagong pagkain na talaga namang sumikat at pumatok sa marami.
Ito ay mga pagkaing patok at inaabangan ng karamihan dahil sa taglay nitong sangkap na talaga namang nakakatakam pag iyong makita kahit sa letrato lamang.
Ito ang ilan sa mga pagkain na sumikat online ngayong panahon ng qu@rantine.
Sushi Bake
Unang-una na sa listahan ay ang nauusong Sushi Bake na isang japanese dish. Tinatawag din ito na deconstructed sushi roll dahil sa paraan ng pagkaka-bake nito na parang isang casserole.
Sa mga sangkap pa lang ay paniguradong matatakam ka na mula sa sahog nitong salmon, crab sticks, vinegared rice, at tobiko (fish roe) at sinamahan pa ng roasted nori (seaweed) na iyong ilalagay at kakainin na parang isang taco matapos maluto ang Sushi Bake.
Ube Cheese Pandesal
Sino naman ang magaakala na ang simpleng pandesal na nabibili sa bakery ay mas pinasarap pa kapag pinalamanan ito ng sweet ube at creamy cheese na siyang perfect combination sa kape na iyong ini-inom tuwing umaga.
Nagsimulang maging patok ito sa masa dahil sa taglay nitong purple-colored pandesal na sinamahan pa ng creamy cheese na nagsilbi namang filling nito sa loob ng tinapay. Talaga namang aprub ang kombinasyon ng matamis at maalat na lasa ng pagkaing ito.
Dalgona Coffee
Kung ikaw naman ay isang coffee lover, tiyak na magugustuhan mo ang isa sa mga nauuso ngayon na inumin ang Dalgona Coffee.
Ang Dalgona Coffee ay isang whipped frothy iced coffee. Ang paraan upang ma-achieve ang whipped texture nito ay ang patuloy na paghalo ng mga ingredients nitong instant coffee at sugar na siyang ilalagay naman sa ibabaw ng iyong ini-inom na fresh milk.
Meron din namang pinausong Dalgona version para sa mga mahilig sa tsokolate at yun ay ang Dalgona Milo.
Basque Burnt Cheesecake
Kung ang hilig mo naman ay dessert, pasok sa panlasa mo ang ang Basque Burnt Cheesecake na nagbibigay ng balanseng lasa mula sa bitterness ng burnt exterior nito at ang sweet and creamy naman na iyong malalasahan mula sa loob ng cheesecake.
Upang ma-achieve ang balanseng lasa ng burnt cheesecake ay kinakailangang i-bake ito sa high temperature.
Alin dito ang na-try mo na at masasabi mong pumatok sa panlasa mo?
The post Tignan ang mga nakakatakam at masasarap na pagkain at inumin na pumatok ngayong panahon ng qu@rantine appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments