‘Jojowain o totropahin’ challenge ng magkaibigang Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu, napuno ng asaran at katatawanan

Hindi talaga mawawala ang asaran at kulitan sa pagitan ng mga magkakaibigan. Ito nga ang nangyari sa panibagong “AngBeKi” video na inupload ni TV actress Kim Chiu sa kanyang YouTube Channel.

Credit: Kim Chiu YouTube         

Sa vlog na inupload ni Kim nitong October 10, ay mapapanood ang pagsalang ng AngBeKi o ng magkakaibigang Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu sa nauusong laro ngayon sa social media na ‘Jojowain o Totropahin’.

Credit: Kim Chiu YouTube

Matatandaang nagpunta sa Subic ang AngBeKi para ipagdiwang ang kanilang ikatatlong taong anibersaryo bilang magkaibigan.

Isa nga sa mga naisip ng AngBeKi na gawin habang naghahanda ng kanilang agahan ay ang maglaro ng ‘jojowain o totropahin’.

Credit: Kim Chiu Instagram

Iba’t ibang lahi ang pinagpilian ng AngBeKi. Kabilang dito ang ilang hollywood actors kagaya nila Ryan Gosling at Bradley Cooper. Napabilang din sa kanilang pagpipilian ang mga sikat na Korean star ngayon na sina Hyun Bin, Lee Min-ho at Kim Soo-Hyun.

Credit: Kim Chiu Instagram

Siyempre hindi rin nawala sa kanilang mga ‘jojowain o totropahin’ ang ilang Pinoy actors. Kasama nga sa kanilang pinagpilian ay ang dating na-link noon kay Bela na si Kapamilya hunk Zanjoe Marudo.

Kaya hindi maiwasan nina Kim at Angelica na tuksuhin si Bela lalo nang pinili nitong ‘tropahin’ nalang ang aktor. Sa vlog ay mapapanood ang pang-aasar nina Kim at Angelica sa kaibigan.

Credit: Kim Chiu Instagram

Saad pa ni Angelica nang marinig ang sagot ni Bela na maging ‘honest’ daw ang kaibigan sa pagsagot.

Humirit naman si Bela at sinabing, “Mamsh, hindi na nga nag-work di ba?”

Credit: Zanjoe Marudo Instagram

Natatawang sambit naman ni Kim, “Laro lang naman ‘to, hindi naman ‘to totoo.”

Ayon naman kay Angelica, masyado umanong pine-personal ni Bela ang kanilang laro.

Credit: Kim Chiu YouTube

Mas naging exciting naman ang kanilang laro nang si Angelica naman ang nalagay sa “hotseat”. Pinagpilian din kasi ng AngBeKi ang dating kasintahan ni Angelica na si John Lloyd Cruz.

Credit: Kim Chiu YouTube

Para kasi kay Bela, ay may chance raw na tropahin niya ang aktor dahil sa pagbabago ng ugali nito ngayon. Nang marinig ni Angelica ang sagot ng kaibigan ay agad itong nag-react. Ani Angelica, “Ba’t nasaan ba siya ngayon? Nahanap na ba siya?”

Credit: @johnlloydcruztm Instagram

Pabirong saad pa ni Angelica, “Kung nahanap ka na baka naman pwedeng magparamdam ka at magpaalam ka man lang one last time.”

Deretsahang inamin rin ni Angelica na hindi na umano niya kayang ‘jowain’ muli ang aktor.

Aniya, “Alam mo sa picture na niya ‘yan jojowain kaya lang hindi ko na talaga kayang jowain ‘yan eh.”

Credit: Kim Chiu YouTube

Maraming netizens naman ang naaliw sa paglalaro ng AngBeKi ng ‘jojowain o totropahin’. Komento ng netizens:

“They are like siblings ang saya ng bonding😍

“The most genuine Jojowain at totropahin challenge. Love you guys! 💓

Credit: Kim Chiu Instagram

“No filter tong vlog na to!! Kakatawa lalo na sa part ng mga guys na nalink sa kanila 😂

The post ‘Jojowain o totropahin’ challenge ng magkaibigang Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu, napuno ng asaran at katatawanan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments