Napuno ng tawanan at kulitan nang turuan ni Ivana Alawi na mag car wash sila Dra. Vicki Belo at Scarlet Snow

Isa si TV actress-model Ivana Alawi sa mga namamayagpag ngayon sa mundo ng pagba-vlog. Kabilang nga sa mga vlog ni Ivana na talagang pumatok sa netizens ay ang kanyang mga car wash video.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube      

Kaya naman nagpaturo ang sikat na celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo kay Ivana paano mag-car wash sa isang seks!ng paraan.

Sa pinakabagong vlog ni Vicki sa kanyang YouTube channel ay inimbitahan niya ang YouTube star na si Ivana.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Kwento pa ni Vicki, “Kasi siya ‘yung YouTube star so sabi ko, ‘help, hindi ako marunong’. Gusto ko rin makisali, alam mo naman ako, feeling young. .”

Bago gawin ang sikat na car wash challenge ay nagkwentuhan muna sina Vicki at Ivana tungkol sa kanilang mga pinagdaanang pagsubok sa buhay. Isa na nga rito ang problema nila sa pag-ibig at sa mga lalake na kanilang nakarelasyon.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Binigyan ni Vicki si Ivana ng tip kung paano ito makakahanap ng matinong lalake na mamahalin niya. Ikwenento kasi ni Ivana na naranasan niya noon paano lokohin ng kanyang mga nakarelasyon.

Ani Vicki, “I will teach you kasi I went through that challenge…Kasi in the beginning, since adopted ako, akala ko talaga that nobody can love me kasi nung bata pa lang ako, ipinamigay na kaagad ako. ‘Yung asawa ko naman noon nangaliwa.”

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Dagdag ni Vicki, “So my advice to you is to look for a husband who is a Christian. Kasi ‘yung husband n Kristyano, they know that God is everywhere. Iba sa kanila. Even if the wife or girlfriend doesn’t catch them, alam ni Lord. So mako-c0nvict.”

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Pagkatapos ng kanilang heart-to-heart na kwentuhan ay sinabi ni Vicki na gusto niyang matutunan paano mag-car wash sa seks!ng paraan.

Gusto rin umano ni Vicki na turuan ang kanyang anak na si Scarlet Snow paano gumawa ng mga simpleng gawaing bahay. Lumaki raw kasi si Vicki na hindi alam paano gumawa ng mga simpleng gawaing bahay.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Saad ni Vicki, “Ako naman gusto ko lang magkaroon ng mga bagong talent and experience. And I want Scarlet sana also to learn. We’re trying so. Now she’s setting the table with the plates.”

Dagdag niya, “Pero ako, lumaki ako ng walang kaalam-alam sa mga [gawaing] bahay and si Krystal din lumaki tulad ko. Nahihirapan kami ngayon, kasi mahirap nang makakuha ng help…So sabi ko, I better learn.”

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Sa vlog, mapapanood si Ivana na tinuturuan si Vicki ng kanyang moves sa pagka-car wash. Game naman ang celebrity doctor na gayahin ang aktres.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Sa huli, nauwi sa pagkukulitan ang kanilang car wash challenge nang binasa ni Scarlet si Ivana ng tubig.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Samantala, naging viral agad ang car wash video nina Ivana at Vicki. Sa panahong isinusulat ito ay mayroon ng mahigit 1.4 million views ang naturang video.

The post Napuno ng tawanan at kulitan nang turuan ni Ivana Alawi na mag car wash sila Dra. Vicki Belo at Scarlet Snow appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments