John Prats, nagbakasyon kasama si Isabel Oli at tatlong anak sa isang beach resort sa Batangas

Isa sa mga paraan na maaaring makatulong sa pagbuo ng isang maganda at masayang ugnayan sa pagitan ng magulang at kanilang mga anak ay ang pagkakaroon ng ‘family time’.Ang paglalaan ng oras sa pamilya o pagkakaroon ng ‘family time’ ay isa rin sa mga paraan na makakatulong upang magkaroon ng matibay na ugnayan ang bawat miyembro ng pamilya.

Credit: John Prats instagram

 

Kaya naman tinitiyak ni Kapamilya actor-director John Prats na sa kabila ng pagiging abala niya sa trabaho, mayroon pa rin siyang oras upang makapag-bonding kasama ang kanyang pamilya.Kamakailan lamang ay nagbakasyon ang buong pamilya ni John sa isang beach resort sa Batangas.

Credit: John Prats instagram

Sa larawan na kanyang ibinahagi sa Instagram nitong October 3, ay makikita si John na masayang-masaya habang kasama ang kanyang asawa na si Isabeli Oli at ang tatlong anak na sina Lily Feather, Daniel Freedom at ang higit dalawang buwang gulang na anak na si Forest.

Credit: John Prats instagram

Caption ni John sa IG post, “Family time muna”Medyo matagal din na hindi nakasama ni John ang kanyang pamilya dahil sumabak ang buong cast ng Kapamilya longest primetime show na “FPJ’s Ang Probinsyano” sa isang lock-in taping.

Credit: John Prats instagram

Sa katunayan, ay wala ang aktor noong ipinanganak ni Isabel ang kanyang ikatatlong anak na si Baby Forest noong July 17.Kaya ngayon ay sinusulit at ini-enjoy ni John ang pagkakataon na maka-bonding ang kanyang pamilya.

Credit: Isabel Oli- Prats instagram

Sa Instagram naman ng dating actress at ngayo’y full time mom na si Isabel, ay nagbahagi siya ng isang larawan kung saan makikita ang hindi kumukupas na sweetness nila ng kanyang asawa.Ani Isabel sa caption ng IG post, “You, me and the sea [sun emoji] #WeAreThePratties #PrattyTV”

Credit: Isabel Oli- Prats instagram

Sa isa pang h!walay na post ay makikita naman ang larawan ng kanilang unico hijo na nag-eenjoy sa pagkain ng kanyang paboritong peanut butter.
Caption ni Isabel sa IG post, “Oh my @freedomprats The bread with peanut butter was gone in seconds! This boy never fails to make me laugh”


Samantala, bukod sa pagiging hands-on mom ay abala rin ngayon si Isabel sa paggawa ng YouTube videos sa kanilang family YouTube channel na “Pratty TV”.
Si John at Isabel ay limang taon nang mag-asawa. Nagpakasal ang celebrity couple noong May 16, 2015. April 2016 naman nang dumating ang kanilang panganay na anak na si Lily Feather. Pagkatapos ng dalawang taon, ay ipinanganak ni Isabel ang kanilang ikalawa at nag-iisang lalaking anak na si Daniel Freedom.

The post John Prats, nagbakasyon kasama si Isabel Oli at tatlong anak sa isang beach resort sa Batangas appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments