Bahay ni Paolo Ballesteros sa Antipolo, Rizal, nagbibigay good vibes ngayon dahil sa giant red ribbon na Christmas decoration nito!

‘Ber months’ na kaya’t samu’t saring Christmas decoration na naman ang ating masisilayan sa bawat kabahayan at pasyalan ngayon. Kahit naman may nararanasan tayong p@ndemya ay pwede pa rin nating maramdaman ang diwa at simoy ng pasko sa pamamagitan ng paglalagay ng mga dekorasyon sa ating bahay.

Credit: Paolo Ballesteros instagram

Isa nga sa masyadong binonggahan ang kanyang Christmas decoration para sa kanyang bahay si Kapuso actor-host Paolo Ballesteros.Nagsisilbing atraksyon ngayon sa lungsod ng Antipolo, Rizal ang isang giant ribbon na nakapalibot sa harapan ng bahay ni Paolo.
Sa isang Instagram post nitong October 3, ay ipinasilip ni Paolo sa netizens ang kanyang bonggang Christmas decoration.

Credit: Paolo Ballesteros instagram

Nagmistulang isang christmas gift ang bahay ni Paolo dahil sa giant red ribbon na ipinalamuti niya sa kanyang bahay.Caption ni Paolo sa IG post, “Pasko na sa Antipolo!”
Sa laki at ganda ng bahay ni Paolo ay bumagay dito ang napakalaking red ribbon.
Maraming kasamahan naman niya sa industriya ang nagpahayag ng kanilang paghanga at papuri dahil sa kanyang Christmas decoration.

Credit: Paolo Ballesteros instagram

Kabilang sa mga nagkomento sina Camille Prats, Allan K., Aiai Delas Alas, Candy Pangilinan at Maricris Garcia at marami pang iba.Ani Camille, “Ang gandaaaaaaaa [heart emojis]”
Komento naman ni Allan at Candy, “Ang saya”Saad ni Aiai, “Cute”Sabi naman ni Maricris, “Nakakahappy naman to!!!!”Nagkomento rin ang netizens sa napakalaking Christmas decoration ni Paolo.

Credit: Paolo Ballesteros instagram

“I though it was edited. Zoomed it and it’s real pala. Hehehehe! Ang ganda, ang galing love it!””Wow!!! You are such an artist! Who would have thought of this> Maybe just you! Beautiful!!!””Brilliant idea…we need something like this to brighten the gloomy days we’re facing!””wow! @pochoy_29..binago mo Ang Antipolo a, hindi na sya. “Tara na sa Antipolo” Mas bet ko Pao. “Pasko na sa Antipolo””hong gondo po good vibes napakamaligayang pasko. house as a gift, blessing indeed good job pao”.

Credit: Paolo Ballesteros instagram

 

View this post on Instagram

 

Merry christmas!

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on


Naipatayo ni Paolo ang kanyang bahay taong 2017. Matatandaang malapit na din noon ang pasko nang lumipat sila sa bahay.Si Paolo ay kasalukuyan napapanood pa rin sa Kapuso noontime show na “Eat Bulaga”.

Credit: Paolo Ballesteros instagram

The post Bahay ni Paolo Ballesteros sa Antipolo, Rizal, nagbibigay good vibes ngayon dahil sa giant red ribbon na Christmas decoration nito! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments