Andi Eigenmann, proud na ipinakita ang kanyang baby bump sa ika-23 linggo ng kanyang pagbubuntis sa kanyang pangatlong anak

Ibinida ng dating aktres at ngayo’y isa nang vlogger na si Andi Eigenmann ang kanyang baby bump.

Credit: Andi Eigenmann Instagram       

Sa kanyang Instagram post nitong October 4, proud si Andi na ipakita ang baby bump. Ayon kay Andi, nasa pangalawang trimester na ang kanyang pagbubuntis.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Magandang-maganda si Andi sa kanyang suot na black sports bra at long skirt. Katabing nag-pose ni Andi sa mga larawan ang anak na si Baby Lilo.

Sa caption, ikwenento ni Andi na mahilig siyang kumuha ng larawan ng kanyang baby bump kagaya ng ginawa niya noong ipinagbubuntis niya si Baby Lilo. Ayon sa aktres, nagsisilbing alaala ang mga baby bump picture ng kanyang pagbubuntis na masaya niyang ginugunita.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Ani Andi, “Taking bump pics just because! Did this regularly with Lilo and I enjoy looking back and having those photos as memories.”

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Ibinahagi din ni Andi na pakiramdam niya hindi niya gaanong nasi-celebrate ang kanyang pagbubuntis lalo na’t ang kanyang pamilya ay magkahiwalay sa panahong ito ng qu@rantine. Matatandaang, hindi kasama ni Andi ngayon ang partner na si Philmar Alipayo dahil nasa Siargao ito at sila naman ay nasa Manila.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Kwento ni Andi, “But now as much as this pregnancy has been feeling much easier in a lot of ways, I feel like I haven’t been “celebrating” it as much. It’s hard to celebrate anything nowadays. Specially with our family being a part during such a special time in our lives.”

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Sa kabila ng pagsubok na kanyang nararanasan ngayon sa kanyang pagbubuntis, sinabi ni Andi na nais niyang pahalagahan ang mga sandali ng pagbubuntis sa sariling paraan. Sinabi rin ni Andi na isang biyaya para sa kanyang pamilya ang ikatatlong anak.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Aniya, “So making it a point to enjoy and cherish these moments in our own little way because truly, baby 3 is a blessing to our fam and we cannot wait to welcome you into this world. You keep us hopeful little one, and we love you very much! #23weekspregnant.”

Ibinabahagi naman ni Andi ang kanyang pregnancy journey sa kanyang YouTube vlogs. Kwento ni Andi, “PS I also began documenting my pregnancy journey on our Happy Islanders youtube channel, starting with sharing my prenatal workout routine, and then today my 2nd trimester must-haves!”

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Ibinunyag ni Andi ang kanyang pagbubuntis noong August 30 sa kanyang vlog. Inaasahang manganak si Andi February sa susunod na taon.

The post Andi Eigenmann, proud na ipinakita ang kanyang baby bump sa ika-23 linggo ng kanyang pagbubuntis sa kanyang pangatlong anak appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments