Super Tekla, nakatanggap ng nakakaiyak na mensahe mula sa kanyang anak na talaga namang nagpaluha sa komedyante

Isang emosyonal na kaganapan ang siyang masasaksihan sa naging reaksyon ng isang komedyante at TV host na si Romeo Librada o mas kilala sa tawag na ‘Super Tekla’, sa munting mensahe na ipinahatid ng kaniyang anak para sa kaniya.

Credit: @superteklahlibrada Instagram           

Kilala si Super Tekla sa kaniyang husay sa pagpapatawa, kaya naman hindi kataka-taka na marami ding netizen ang kaniyang napapangiti at napapatawa. Sa pagkakataong ito panahon naman upang si Tekla naman ang pasiyahin. Kaya naman ang kaniyang kaibigan na isang showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz, ay naisipang sorpresahin ang kaibigan sa pamamagitan ng isang video message na galling mismo sa panaganay na anak nito.

Credit: @superteklahlibrada Instagram

Sa naturang mensahe ng kaniyang 12-year-old na anak na si Theora, hindi man sila magkasama ngayon ay hindi nakakalimutan ni Super Tekla ang responsibilidad nito sa kaniyang anak.

Credit: Ogie Diaz YouTube

“Daddy, kahit malayo siya at hindi kami magkasama.”

“Palagi kami nag-uusap at pinapaalala niya na maging mabuti ako sa lolo at lola ko na nag-aalaga sa ‘kin ngayon. At ‘yung responsibilidad niya sa ‘kin hindi niya nalilimutan.”

Credit: @superteklahlibrada Instagram

Makikita naman ang labis na pagmamahal ni Theora sa kanyang ama at nangakong susuklian ang ginawang pag-aalaga ng komedyante para sa kaniya.

“Mahal na mahal ko po ang daddy ko at lagi ko pinapangako na pagbubutihan ko ang aking pag-aaral para ako naman ang mag-aalaga sa kaniya balang araw.”

Credit: Ogie Diaz YouTube

“Lagi kang magpapakatatag, daddy. Manalig ka kay Lord. Nandito lang ako laging nakasupporta sa’yo at sa kapatid ko.”

Matapos mapanood ni Super Tekla ang video, hindi naman napigilan nito na maging emosyonal sa kaniyang narinig na mensahe mula sa anak.

Credit: Ogie Diaz YouTube

“Sobrang proud na proud ako sa batang ito kasi ang ganda ng pagpapalaki sa kaniya. Walang galit sa puso ‘yung bata. Isa ‘yan sa mga yaman ko talaga.”

May mga pagsubok man na kailang harapin, naniniwala si Tekla na sa bawat pagsubok at problema ay may kaakibat na solusyong naghihintay para sayo.

Credit: Ogie Diaz YouTube

“Hindi siya pagsubok, isa siyang malaking hampas sa akin, luluhod ka talaga [sa Diyos].”

“Ito, big realization. Ang kagandahan lang, hindi niya binigay nang walang solusyon.”

The post Super Tekla, nakatanggap ng nakakaiyak na mensahe mula sa kanyang anak na talaga namang nagpaluha sa komedyante appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments