Netizens, namangha sa magara at astiging kotse ni Jake Cuenca

Kilala si Kapamilya actor Jake Cuenca ng lahat dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Ngunit hindi lang sa pag-aartista magaling si Jake.

Bilang isang car enthusiast ay kamangha-mangha rin ang pagiging malikhain ni Jake sa pagdedesenyo ng kanyang mga nabiling sasakyan.

Source: Enchong Dee Youtube

Sa dami at ganda ng kanyang mga kotse ay kapansin-pansin na pinaggagastusan at pinaglalaan talaga niya ito ng oras para mapaganda ang ayos at working performance ng kotse.

Source: Enchong Dee Youtube

Kamakailan lamang ay marami ang namangha sa magara at astiging kotse ni Jake na isang Jeep Wrangler Rubicon Call of Duty Edition.

Sa vlog ni Kapamilya actor Enchong Dee nitong August 14, ipinasilip ni Jake ang labas at loob ng kanyang kotse.

Source: Enchong Dee Youtube

Ikwenento ni Jake sa vlog na ang kotse niyang ito ay ‘project’ nila ng kanyang ama. Mukhang namana ng aktor sa kanyang ama ang hilig sa mga sasakyan. Ayon kay Jake, pinagsamahang ideya niya at ng kanyang ama ang ngayo’y desenyo ng kanyang kotse.

Source: Enchong Dee Youtube

Ang outer design ng kotse ay nakakamangha. Napakaganda ng pagkakadesenyo nito na mayroong color motif na black at red. Mahahalata mo sa itsura ng kotse na talagang pinag-isipang mabuti ang magiging desenyo at set up nito.

Source: Enchong Dee Youtube

Mula sa mga naglalakihang gulong nito, astigin bumper hanggang sa tambutso nito na naisip din na desenyuhan nina Jake.

Ipinakita rin ni Jake ang loob ng kotse. Sa loob ay matte black ang nangingibabaw na kulay. Ikwenento ni Jake na ang speaker lang daw sa loob ng kotse ang kanyang pinalitan.

Source: Enchong Dee Youtube

Ayon kay Jake, aabot daw ng milyon ang nagastos niyang pera para sa pagpapa-enhance ng kotse.

Ani Jake, “The whole set [would cost] seven figures. Tapos there is one time, may nag-offer to buy it. Tapos the one who wanted to buy it, wanted to buy it for twice the price.”
Dalawang taon umano ang inilaan nina Jake at ng kanyang ama para ma-achieve ang itsura ngayon ng kanyang astigin kotse.

Source: Enchong Dee Youtube

Samantala, ikwenento naman ni Jake na takbuhan siya ng mga kaibigan niyang aktor na nagbabalak bumili ng jeep o ‘yung mga may jeep na at naghihingi ng payo kung anong magandang accessories o desenyo ang gagamitin sa kanilang jeep.

Source: Enchong Dee Youtube

Kabilang sa mga naimpluwensiyahan ni Jake sina Kapamilya actor Zanjoe Marudo, Sam Milby at Joseph Marco.Sa ngayon ay mayroong tatlong kotse nalang na pagmamay-ari si Jake. Isang Starex Van, Chevrolet Suburban at ang kanyang Jeep Wrangler.

Si Juan Carlos Cuenca o Jake Cuenca ay isang Filipino-American actor. Nagsimula bilang modelo, unang napaimalas ni Jake ang kanyang acting skills nang mag-cameo siya sa 1997 Film na “Wansapanataym.”

Source: Enchong Dee Youtube

Ilan sa mga sikat na teleserye ni Jake sa Kapamilya network ay Green Rose (2011), Maria Mercedes (2013), Ikaw Lamang (2014) at Precious Hearts Romances Presents: Los Bastardos (2018).

The post Netizens, namangha sa magara at astiging kotse ni Jake Cuenca appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments