Carla Abellana, ipinasilip ang kanyang nabiling condo na katas ng kanyang pag-aartista

Handa na si Kapuso actress Carla Abellana na ibenta ang kanyang condo unit sa The Grove by Rockwell upang maitayo ang pangarap nilang bahay ng kanyang matagal nang kasintahan na si Kapuso actor Tom Rodriguez.

Credit: Carla Abellana YouTube

Personal na nagbigay ng isang condo-tour si Carla nitong September 25 para ipakita ang interior ng condo.

Matatagpuan sa lungsod ng Pasig, simple ngunit mayroong napakagandang ambiance ang condo unit ng aktres.

Credit: Carla Abellana YouTube

Sa vlog, ay ipinakita ni Carla ang master’s bedroom, kitchen at dining area, living room, isang den na pwede ring maging kwarto at balcony ng condo unit.

Fully-furnished na ang 68-square meters na condo ni Carla. Ngunit ayon sa aktres, kung gugustuhin ng bibili na huwag isali ang mga gamit sa bahay ay pwede naman daw.

Credit: Carla Abellana YouTube

Ikwenento ni Carla na nabili niya ang condo taong 2012. Ito raw ang unang naipundar niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

Ani Carla sa vlog, “I bought this unit or this property during pre-selling noong bago pa lang ako sa showbiz. Binili ko siya pre-selling, so hindi pa as expensive. It’s been 8 years already more or less. I bought it, if I’m not mistaken 2012.”

Credit: Carla Abellana YouTube

Pag-amin pa ni Carla na sa paglipas ng panahon ay tumaas na ang market value ng kanyang nabiling condo unit.

Aniya, “All fairness, more or less walong taon na nag-increase na po ang market value ng The Grove if you consult with a real estate broker. I’m just so happy na at least worth it ‘yong investment, nag-grow na ‘yong price, ‘yong value through the years.”

Credit: Carla Abellana YouTube

Ayon sa aktres, dream come true raw para sa kanya nang mabili niya ang condo unit.
Kwento ni Carla, “Nagkatotoo ‘yung aking pangarap. Nagkatotoo ‘yung aking promise sa sarili ko na, ‘One day, magkakaroon ako ng condo unit sa Rockwell’.”

Credit: Carla Abellana YouTube

Dagdag ni Carla, “It’s just fascinating to think of right now. It’s overwhelming actually. Masarap ng pakiramdam na isa sa mga pangarap mo natupad mo.”

Ibinahagi ni Carla sa vlog na ginawa niya ang condo-tour para umano matulungan siya ng netizens na makahanap ng bibili sa condo unit.

Credit: Carla Abellana YouTube

Aniya, “‘Yung na nga, guys. Tulad ng sabi ko, tulungan n’yo na akong tuparin ‘yung isa ko pang pangarap which is to build a dream home. Hindi po ako or kami ni Tom makakapagpagawa ng aming dream home kung hindi ko po ‘to mabebenta.”

Credit: Carla Abellana YouTube

Samantala, wala pa ring inaanunsyo sina Carla at Tom kung kailan sila magpapakasal. Anim na taon na rin silang magkasintahan. Sa tagal ng kanilang pagsasama, marami na ang nag-aabang kung kailan sila magpapakasal.

The post Carla Abellana, ipinasilip ang kanyang nabiling condo na katas ng kanyang pag-aartista appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments