‘New look’ ni Julia Montes, pinusuan ng maraming artista at netizen

Pinusuan ng mga kapwa niya artista sa industriya at ng kanyang fans ang ‘hair transformation’ ni Filipino-German actress Julia Montes.

Credit: Julia Montes Instagram

Si Julia na kamakailan lamang ay bumida sa Kapamilya drama series na “24/7”, ay sinurpresa ang lahat sa kanyang maiksi at wavy blonde hair.

Unang ipinasilip ni Julia sa kanyang Instagram account ang kanyang ‘hair transformation’ nitong September 30.

Credit: Julia Montes Instagram

Ipinost ng aktres ang isang close up look kung saan ay highlight ang kanyang blonde hair.

Ani Julia sa caption ng IG post, “I have everything I need to be happy”.

Ang pagbabago ng kulay ng kanyang buhok ay nagbigay ng ‘new look’ sa aktres. Pinatingkad ng kanyang blonde hair ang kanyang maliit at napakagandang mukha. Makikita sa larawan ang pagkakaroon ng dugong banyaga ni Julia.

Credit: Kapamilya Online World Facebook

Sa isa pang hiwalay na IG post, ay ibinahagi ni Julia ang isa pang larawan kung saan matingkad na matingkad ang kanyang pagiging mestiza. Isang makahulugan na mensahe naman ang ipinarating ni Julia sa caption ng kanyang IG post.

Aniya, “Don’t let the behavior of others destroy your inner peace”.

Umani ng maraming paghanga at papuri ang aktres mula sa mga kapwa niya artista at kasamahan sa industriya.

Credit: Kapamilya Online World Facebook

Komento ni Neri Miranda, “Ang ganda gandaaaaaaa mo”

Sabi naman ni Shaira Diaz, “Ganda!!!”

Ani Agot Isidro, “Ganda mo beh, I missss you”

Saad ng dating aktor na si Eric Fructuoso, “Bongga sis”

Credit: Kapamilya Online World Facebook

Narito naman ang komento ng ilang tagahanga ni Julia:

“stay very happy!!!!”

“Wowwww”

“Pretty as always”

Credit: Julia Montes Instagram

Sa ngayon, pansamantala munang natigil ang mga television show at project ni Julia dahil pa rin sa qu@rantine.

Para naman maging makabuluhan ang kanyang oras ngayong panahon ng qu@rantine ay bumalik sa pag-aaral si Julia. Kamakailan lamang sa isang Instagram post ay inanunsyo niya na nag-enroll siya sa isang online course.

Credit: Julia Montes Instagram

Kwento ni Julia sa caption, “Here’s to a new journey FROM HOME! I am glad to be part of Southville International School and Colleges as I officially go back to school.”

Dagdag niya, “This is how I turn a cr!sis into an opportunity, doing things I’ve always wanted now that I have the luxury of time. Indeed, education is a lifelong venture.”

January ngayong taon ng mag-comeback si Julia matapos ang isang taong pananatili niya sa Germany para makasama ang kanyang German na ama.

The post ‘New look’ ni Julia Montes, pinusuan ng maraming artista at netizen appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments