Billy Crawford, ikwinento ang naramdaman nang mapanood ang asawang si Coleen na nanganak nang walang gamot na pampamanhid

Kapag naging magulang ka, nagbabago ang lahat sa iyong buhay. Kasama rito ang iyong pag-uugali at pananaw sa buhay. Isa nga sa mga couple na nakaranas ng mga pagbabagong ito ay sina Coleen Garcia at Billy Crawford na ngayon ay unti-unti nang niyayakap ang mga responsibilidad pati na rin ang kasiyahan ng pagiging isang magulang.

Credit: Billy Crawford Instagram         

Sa online late night talk show ng komedyante at TV host-actor na si Vice Ganda na “Gabing Gabi na Vice” nitong September 26, ay masayang ibinahagi nina Coleen at Billy ang kanilang karanasan bilang mga baguhan pa lang sa mundo ng ‘parenting’.

Credit: Billy Crawford Instagram

Sa online talk show ay kinamusta ni Vice sina Coleen at Billy, na nitong September 10 lamang ay winelcome ang kanilang panganay na anak na si Amari Jaden.

Credit: Billy Crawford Instagram

Ayon kay Coleen na piniling manganak sa pamamagitan ng unmedicated water birth ay ‘fully-recovered’ na raw siya mula sa panganganak.

Credit: Vice Ganda YouTube

Ani Coleen, “Everything is good. Nakakalakad na ako ng maayos. Okay na parang ready na to resume. Kaya lang, siguro ang pinakamahirap ngayon, wala akong oras. Kasi talagang maya’t maya kailangan kumain ng baby. Hindi kasi kami nagbo-bottle feed. Talagang exclusive bre@stfeeding lang talaga. Pampalakas din daw kasi ng gatas kung madalas nagbi-bre@stfeed.”

Credit: Vice Ganda YouTube

Nagkuwento naman si Billy sa naging karanasan niya noong napanood ang asawa habang nanganganak ng walang ‘anesthesia’ o gamot na pang-pamanhid.

Credit: Billy Crawford Instagram

Kwento ni Billy, “Di ba sinasabi nila ‘pag nagkaroon ka na ng anak magbabago ang buhay mo, et cetera? Hindi eh. Kapag nakita mo ang asawa mo na manganganak, na walang gamot na pang-pamanhid o kahit ano, trust me…babago ‘yong pananaw, babago ‘yong buhay [mo]. Mamahalin mo siya nang todo-todo. Gagawin mo lahat.”

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Ibinahagi ni Billy na isang ‘heartwarming experience’ para sa kanya na mapanood si Coleen na iniinda ang sakit na dulot ng panganganak para maisilang lang si Amari.

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Ani Billy, “Once na ma-experience mo na makikita mo ‘yong natural birth at its finest. As in ‘yong makikita mo ‘yong ire niyang nasasaktan siya pero alam mong sinasakripisyo niya lahat malabas lang ang ‘yong anak mo…’Yong pagmamahal mo at beauty, ‘yong pagkaganda ng moment na ‘yon ay hindi mo mae-explain, Vice.”

Credit: Billy Crawford Instagram

Hinding-hindi raw ipagpapalit ng TV host-singer sa kahit ano ang araw na ipinanganak ang kanyang anak. Aniya, “Promise, sa buong buhay ko never kong ipagpapalit ‘yong day na pinanganak ‘yong baby namin.”

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Inamin din ni Billy na mas tumindi ang kanyang paghanga at respeto kay Coleen simula nang maging isang ina ito.

Saad ni Billy, “Yung disiplina niya as a pregnant woman. Kung ano talaga ‘yung bawal, iniiwasan. ‘Yung attitude niya parang naging motherly. I respect her more.”

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Dagdag niya, “Everything about her changed…She became a loving mom. But, she also became a stronger wife for me.”

The post Billy Crawford, ikwinento ang naramdaman nang mapanood ang asawang si Coleen na nanganak nang walang gamot na pampamanhid appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments