Dianne Medina, ibinida ang slim at seksing katawan 20 araw matapos siyang manganak

Ikinagulat ng mga netizen ang mabilis na pagpayat ni TV actress-host at vlogger na si Dianne Medina makalipas lang ang 20 araw matapos niyang maipanganak ang panganay nila ni Rodjun Cruz na si Baby Rodolfo Joaquin Diego III.Sa Instagram nitong September 29, ay nagpost si Dianne ng isang larawan kung saan kapansin-kapansin ang fit at slim niyang pangangatawan 20 araw lang ang makalipas matapos siyang manganak.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Caption ni Dianne sa larawan, “Light work for me today! 20 days postpartum ❤ Thank you @mamawayphil for my binder 😍”May ilang mommies din ang humingi ng tips kay Dianne upang makabalik sa hugis pagkatapos nilang manganak.Ayon kay Dianne na ‘clean eating’ at ‘binder’ lang daw ang sekreto niya para sa mabilis na pagpayat.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Komento ng isang netizen, “sana all! pano yan? share it please”Tugon ni Dianne sa komento ng naturang netizen, “@iamsiyarlot clean eating”Komento ng isa pang netizen, “Wow. Paano po ako 7mos na malaki pa din tyan ko”Reaksyon naman ni Dianne rito, “@nanayandmarga binder lang”Dagdag pa ni Dianne, “@drmaygonzaga dra soup and veggies only hahahaha + non stop lactation treats hahaha”

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang naturang larawan ni Dianne.
Maraming netizens ang humanga sa mabilis na pagbalik ng katawan ni Dianne sa dati na animo’y hindi siya nanganak.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Komento ng netizens:”Saan dumaan ang baby? Haha. Parang di ka nanganak!”
“Bilis pumayat ni ate dianne, parang walang nangyari””Wow Grabe ang bilis bumalik katawan mo galing””Wow balik alindog kna ulit mrs dianne illustre parang di k nanganak”
“Parang hindi lang nanganak. Ganda pa rin. Congrats dianne and welcome to momhood”
“Sanaol after 20 days ganyan hehehe#congrats mami dianne”

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

May ilang netizen naman ang pinayuhan si Dianne na huwag masyadong magtrabaho o magpapayat dahil dumaan ito sa cesarean section o cesarian delivery.
Ani netizens:”Psst, take it easy, hon. Work will come. Balance it all. Family life is.”
“Ms. Dianne, take it easy. CS po kayo.”Si Maria Patricia Dianne Perez Medina o mas kilala bilang Dianne Medina ay isang aktres, dancer, television host, anchor at modelo.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Noong December 21, 2019 ay ikinasal sina Dianne at Rodjun sa Manila Cathedral matapos maging magkasintahan sa loob ng 12 taon.

The post Dianne Medina, ibinida ang slim at seksing katawan 20 araw matapos siyang manganak appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments