Basketball star Doug Kramer, tini-train na ang kanyang unico hijo na si Gavin para maging isang magaling na basketball player

Isa si Doug Kramer sa mga hinahangaang basketball player sa bansa dahil sa kanyang galing sa paglalaro.Ngunit sa likod ng kanyang tagumpay sa larangan ng basketball, inamin ni Doug na hindi sapat ang taglay niyang talento sa paglalaro para maging isa siyang magaling na manlalaro.

Credit: Doug Kramer instagram

Ayon kay Doug, sinamahan niya ng sipag, dedikasyon, disiplina, respeto at pagmamahal sa laro ang kanyang likas na talento sa pagba-basketball para marating niya kung nasaan siya ngayon.Ngayon na mayroon na siyang anak na magmamana sa kanyang basketball legacy, sinisigurado ni Doug na maipapasa niya ang mga aral na natutunan niya bilang isang basketball star.

Credit: Doug Kramer instagram

Sa isang Instagram post nitong October 1, ibinahagi ni Doug ang isang larawan kung saan makikita siya at ang kanyang anak na si Gavin na naglalaro ng basketball.Bonding na para sa mag-ama ang paglalaro ng basketball.Tila unti-unti na ring tini-train ng basketball star ang unico hijo nila ni Cheska Garcia.

Credit: Doug Kramer instagram

Habang bata pa si Gavin, ay itinuturo na ni Doug sa anak ang mga aral na natutunan niya noon na naging susi para maging matagumpay at magaling siyang basketball player.
Ani Doug sa caption ng IG post, “Career wise, it wasn’t always about the talent I had. It was about hard work, dedication, discipline, respect and the love of the game. These intangibles are what I’m trying to impart to Gavin. ❤👌

Credit: Doug Kramer instagram

Umani naman ng maraming reaksyon mula sa tagahanga ng pamilyang Kramer ang IG post ni Doug.Komento ng netizens:”Great way to start him young. 🤗 @dougkramer”
“He’s the cutest!! 🙈😍 good thing you have a boy 💕””Thank you so much for this inspiring post. We wish Team Kramer all the best!””Go Gavin!!! 🙌🏼


Sikat at kilala ng lahat bilang ‘Team Kramer’ ang pamilya nina Doug at Cheska. Bukod kay Gavin, ay kinagigiliwan din ng netizens ang dalawa pa nilang anak na sina Clair Kendra at Scarlett Louvelle.Samantala, nitong January 15 lang ay ipinagdiwang ng ‘Team Kramer’ ang ikapitong kaarawan ni Gavin.

Credit: Doug Kramer instagram

The post Basketball star Doug Kramer, tini-train na ang kanyang unico hijo na si Gavin para maging isang magaling na basketball player appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments