Vina Morales, ikwenento kung paano siya nabiktima ng panghahablot sa EDSA

Isang nakakalungk0t na balita ang ibinahagi ni Vina Morales sa kanyang Instagram nitong Biyernes, October 2.Sa kanyang Instagram post, ay ibinahagi ni Vina na nabiktima umano siya ng panghahablot sa EDSA.

Credit: Vina Morales instagram

Ikwenento ni Vina na habang nasa loob siya ng kanyang kotse ay hinablot umano ang kanyang cellphone ng sn@tcher.Bukas umano kasi ang bintana ng kanyang kotse kaya madali lang nahablot ng isang snatcher.Ito ang unang beses na nabiktima si Vina ng isang snatcher kaya’t hindi niya mapigilan na malungkot.

Credit: Vina Morales instagram

Aniya sa IG post, “Ngayon ko lang po naranasan eto, may nag-snatch ng Phone ko sa loob ng kotse ko habang gamit ko po, naiwan ko pong bukas ang Window habang nasa edsa, tapat po ng Phoenix gasoline station.”Bilang reaksyon, ay hinabol daw umano ng 44 taong gulang na singer ang snatcher.

Credit: Vina Morales instagram

Ani Vina, “reaction ko po ay hinabol ko, meron po akong nakita na tao sabi may alam po sya”
Hindi naman nagawang maghain ng report ni Vina sa presinto dahil sa takot niyang mahawaan ng v!rus.Kwento ni Vina, “biglang may mga pulis na dumating at tinangay yung tao…Nakausap ko po si LT. Alvin Bagay at pinapunta po ako ng presinto, sabi ko wag na lang po kasi po may c0vid.”

Credit: Vina Morales instagram

Nagpasalamat din si Vina sa mga taong tumulong sa kanya ng maganap ang pangyayari
Aniya, “Telepono lang naman yun pero nalulungkot ako kasi bakit may mga ganung tao. Salamat po sa mga tao na tumulong sa akin.”Nagsilbing aral para sa singer-actress ang nangyari sa kanya.

Credit: Vina Morales instagram

Payo pa ni Vina sa lahat na mag-ingat lalo na’t may mga tao pa rin ngayon na gumagawa ng masama sa kanilang kapwa.”Etong message ko just letting you know na mag-ingat po tayo.”
Sa huli, ay ipinapasa-Diyos nalang ni Vina ang magiging parus@ para sa snatcher.
Ani Vina, “Bahala na lang po ang Diyos sa kanya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vina Morales (@vina_morales) on


Samantala, maraming kasamahan ni Vina sa industriya ang nakisimpatya sa nangyari sa kanya.Komento ni Sunshine Cruz, “So sorry to hear this. Please ingat Vins.”
Ani Jessy Mendiola, “Oh no… Thank God you’re safe ate.”Saad ni Erik Santos, “Huuuuuuuugsss BFF. Thank God wala nangyari sayo.”

Credit: Vina Morales instagram

The post Vina Morales, ikwenento kung paano siya nabiktima ng panghahablot sa EDSA appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments