Angel Locsin, ibinahagi ang estado ng kalusugan at nagbigay ng mensahe sa mga taong pumupuna sa kanyang pangangatawan

Kilala si Kapamilya actress Angel Locsin ng lahat dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Maliban dito, isa rin si Angel sa mga artistang may malasakit at handang tumulong sa kanyang kapwa. Hindi lang siya kilala bilang isang aktres kung hindi bilang isang Philanthropist din. Dahil nga rito, ay binansagan si Angel ng lahat bilang “The Real Life Darna”.

Credit: Angel Locsin Instagram     

Hindi rin kumukupas ang kagandahan ni Angel. Sa katunayan, kahit maraming larawan niya ang kumakalat ngayon sa social media kung saan makikita na nadagdagan ang kanyang timbang ay kahanga-hanga pa rin ang angking ganda ni Angel.

Credit: Angelica Santos Facebook

Nitong October 5 lamang, ay naging laman na naman ng balita si Angel dahil sa mga larawang ipinost ng isang netizen na nangangalang Angelica Santos.

Credit: Angelica Santos Facebook

Sa mga larawan na ipinost ay makikita ang pagdagdag ng timbang ng aktres. May mga netizen na hindi makapaniwala sa naturang letrato at sinabing edited ito pero sinabi ng netizen na si Angelica na hindi umano edited ang mga larawan na ipinost niya.

Matapos lumitaw ang mga larawan ni Angel, marami ang nagtataka kung bakit nadagdagan ang timbang ng aktres. Nakaukit na kasi sa isipan ng mga tao na isa si Angel sa mga pinaka-seksing babae noon sa telebisyon. Kaya ikinabigla na lamang ng lahat nang makita nilang nadagdagan ang timbang ng aktres.

Credit: Angelica Santos Facebook

Sa isang panayam ni Boy Abunda kay Angel noong nakaraang taon ay sinagot ng aktres kung kamusta na ang kondisyon ng kanyang pangangatawan. Dito ay sinabi ni Angel na ang kanyang s@kit na disc bulge sa kanyang sp!ne ay panghabambuhay na niyang dala-dala.

Credit: Angelica Santos Facebook

“I think better na s’ya kasi hindi naman s’ya mawawala, Tito Boy eh. Mag-iimprove lang yung condition pero yun na yun… yun na s’ya for life.”

Credit: Angelica Santos Facebook

Dinagdag ni Angel, “Bumalik ako sa workout, Tito Boy. Umiyak ako eh… Umiyak ako eh kasi naramdaman ko yung mga hindi ko na pwedeng gawin. Dati kasi feeling mo superhero ka talaga, kaya mo gawin lahat. Kailangan mong harapin na iba na.”

Credit: Angelica Santos Facebook

Ayon kay Angel na ang mga activities na hindi na niya pwedeng gawin ay katulad ng biglaang pagtayo, twisting, pagtakbo, pagtalon, at bending.

Credit: Angel Locsin Instagram 

Sa interview ay nagbigay din ng pahayag si Angel tungkol sa mga taong nagbibigay ng hindi magandang komento dahil sa kanyang pagdagdag ng timbang.

Credit: Angel Locsin Instagram

“Parang maaawa ka na doon sa tao kasi anong klaseng person ka para magawa mo ‘yon? Perfect ka, sobrang perfect mo? Parang ganoon. Hindi mo na lang papatulan…”

“Ayokong makipag-deal sa mga ganoong klaseng tao kasi sad ang life nila. Ako walang problema, bakit ikaw ang dami mong issue? E katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to. E ikaw ba, okay ka ba?”

The post Angel Locsin, ibinahagi ang estado ng kalusugan at nagbigay ng mensahe sa mga taong pumupuna sa kanyang pangangatawan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments