Ikinasal na ang matagal nang magkasintahan na sina KZ Tandingan at TJ Monterde.
Nitong Huwebes, October 8 sa pamamagitan ng isang music video ng kanilang kanta na “Can’t Wait To Say I Do” ay inihayag nina KZ at TJ na noong August 28 pa sila ikinasal.
Makabuluhan ang bawat liriko ng kanilang kanta sapagka’t sinasalamin nito ang nararamdaman nina KZ at TJ para sa isa’t isa. Ipinapahayag ng kanilang kanta na handa na silang dalawa na mangako na mamahalin ang bawat isa “for the rest of their lives”.
Napaka-magical ng pag-iisang dibdib nina KZ at TJ na ginanap sa ilalim ng isang napakalaking matandang puno ng Mangga sa The Farm at San Benito, Batangas.
Sa mga larawang ibinahagi ni KZ sa kanyang Insatagram, makikita si KZ na naglalakad sa aisle suot ang kanyang wedding suit. Hindi man nakasuot si KZ ng tradisyonal na wedding gown, mas tumingkad naman ang kanyang ganda sa suot na unique wedding dress. Suot ang isang big pearl necklace, malaki ang ngiti ni KZ habang naglalakad papunta sa kanyang magiging kabiyak na si TJ.
“God finally made our ’’Puhon’’ a reality”, ani KZ sa caption ng kanyang IG post.
Dagdag ni KZ, “With only a handful of people and our families attending through zoom, we held our symbolic wedding under a 300 hundred-year-old Mango tree.”
Inamin din ni KZ na hindi umano nila naisip na maaari silang magpakasal sa taong ito dahil ang kanilang mga pamilya ay nasa Mindanao at hindi makalipad dahil sa p@ndemya. Ngunit hinimok umano sila ng kanilang mga magulang na magpakasal na.
Pahayag ni KZ, “We didn’t think we could get married this year because our families are in Mindanao and couldn’t fly in. But our folks being the selfless, understanding, and amazing parents they are, encouraged us to get wed.”
Ayon naman kay KZ, “bittersweet” umano ang naramdaman niya noong kasal nila dahil hindi siya nagawang ihatid ng mga magulang papunta sa altar.
Mabuti naman daw at nandoon ang kanyang itinuturing na pangalawang ama na si Kapamilya singer Martin Nievera na handang humalili at ihatid siya sa altar.
Ani KZ, “Bittersweet getting married without my parents walking me down the aisle, but I’m thankful that my other dad, @martinnievera, stepped in to give me away.”
Sa huli ay nagpasalamat si KZ sa lahat ng mga kaibigan at tao na handang dumaan sa iba’t ibang proseso masaksihan lamang ang kanilang pag-iisang dibdib.
Saad ni KZ, “Thankful for friends who went out of their way to do multiple testings, isolation, and travel to be with us on our special day.”
Taong 2015 ay isinapubliko nina KZ at TJ ang kanilang relasyon. December noong nakaraang taon naman ay nangyari ang kanilang engagement.
The post Silipin ang napakagandang intimate wedding na naganap para sa pag-iisang dibdib nila KZ Tandingan at TJ Monterde appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments