Dimples Romana, nagkuwento kung bakit niya binili ang napakalawak na farm sa Alfonso, Cavite

Itinuturing ni Kapamilya actress Dimples Romana bilang kanyang ‘sanctuary’ ang pag-aaring farm sa bayan ng Alfonso sa Cavite.Sa kanyang pinakabagong vlog, ikwenento ni Dimples na kakaiba ang hatid na kasiyahan at kapayapaan ng farm sa kanya simula nang mabili niya ito.

Credit: Dimples Romana Official instagram

Pagsisimula ni Dimples sa vlog, “He [Alfonso] gives me a sense of peace, stability, inspiration and more. Alfonso, is a name and a place that is truly close to my heart.”
Ikwenento rin ni Dimples kung paano niya napagdesisyunang bilhin ang farm-land.
Ayon sa kanya, noong una ay wala sa kanyang plano ang bumili ng lupa dahil inisyal niyang plano ang bumili ng bagong sasakyan.

Credit: Dimples Romana Official instagram

Ngunit dahil sa ganda ng lugar ay nabighani si Dimples dito kaya’t ang pera sanang pambili niya ng bagong sasakyan ay ininvest muna niya sa Alfonso.Ibinahagi rin ni Dimples na bukod sa pagsisikap ay ipinagdasal din niya sa Diyos na maibigay sa kanya ang lupa. Nangako umano siya sa Diyos na kapag nabili na niya ang lupa ay gagawin niya itong ‘prayer sanctuary’.

Credit: Dimples Romana Official instagram

Kwento ni Dimples, “Sabi ko nga nung nagdadasal ako, ‘Lord, ‘pag binigay mo sa akin ‘yung farm lot sa Alfonso, idi-develop ko ‘yun in a manner that it will be a prayer sanctuary for me. So that I will get to glorify Your name even more because I will thank you every time I see it.”
Dagdag ni Dimples, “And that’s the reason why we never sold it for the past 10, 11 years is because I’ve always kept my promise that ‘pag dumating talaga ‘yung pagkakataon na ma-own ko ‘tong land na ‘to, hindi ko na pakakawalan.”

Credit: Dimples Romana Official instagram

Sampung taon nang naging santuwaryo ni Dimples ang Alfonso at sa tuwing nasa probinsiya siya’y pakiramdam niya malapit siya sa Diyos. Maliban dito, nagbunga rin umano ang lahat ng kanyang pagsisikap bilang artista dahil nakabili siya ng farm.Aniya, “It has been my sanctuary for almost 10 years now. Every time nasa Alfonso ako, pakiramdam ko close kami ni Lord. Kasi ang lamig, ang simoy ng hangin, tahimik, beatiful people. ‘Yun palang worth it na lahat ng pagod tsaka pawis.”

Credit: Dimples Romana Official instagram

Dagdag ni Dimples, “Gustong-gusto ko dito sa Alfonso…I really feel like Alfonso gives you the feels na, ‘you can dream bigger and it can make you feel like you actually own a piece of land that is a piece of he@ven.”Sa huli saad ni Dimples, “Living in a place like this, truly, is the life…Nakakapawi ng pag0d. Nakakaganda ng buhay.”

Credit: Dimples Romana Official instagram

Si Dimples ay kilala ng lahat bilang wais at matalino sa paggamit ng kanyang perang pinaghirapan. Kasama ang asawang si Boyet Ahmee, pinapalago nila ang kanilang pera sa pamamagitan ng pagbili ng real-estate properties.

Credit: Dimples Romana Official instagram

The post Dimples Romana, nagkuwento kung bakit niya binili ang napakalawak na farm sa Alfonso, Cavite appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments