Tingnan ang nakakatuwang kulitan ng mga anak ni Jackie Foster na si Andre at Yoyo

Isa sa mga magandang naidulot ng pananatili natin sa ating bahay ngayong panahon ng qu@rantine ay ang pagkakaroon natin ng maraming oras para maka-bonding at makakulitan ang ating pamilya.Kabilang sa mga magpamilya na extra-close ngayong panahon ng qu@r@ntine ay ang mga anak ni Jackie Foster.

Credit: Jackie Forster instagram

Sa kanyang Instagram account, proud na ibinabahagi ni Jackie ang nakakatuwang kulitan ng kanyang mga anak.Sa video na ipinost ni Jackie, ay mapapanood ang pagkukulitan ng kanyang panganay na anak na si Andre Paras at ng bunsong anak na si Yohan.Habang tutok sa kanyang cellphone si Andre, ay makikita si Yohan na kinukulit at hinahalikan sa pisngi ang kanyang kuya.

Credit: Jackie Forster instagram

Sa isang parte ng video, maririnig si Jackie na tinatanong si Yohan kung ano ang ginagawa nito.Ani Jackie, “What are you doing? Are you smelling him [Andre]?”
Sagot naman ni Yohan, “Yes, I’m smelling him.”

Credit: Jackie Forster instagram

Makikita rin sa video ang cute reaction ni Andre habang kinukulit siya ng kanyang nakababatang kapatid.Caption ni Jackie sa IG video, “Yoyo loves his Kuya’s so much. So kyooot”Sa isa pang magkaiba na IG post, mapapanood naman ang pangungulit ng isa pa niyang anak na si Kobe Paras kasama si Yohan sa kanilang kuya Andre.

Credit: Jackie Forster instagram

Ayon sa caption ng IG post ni Jackie, nasa sa isang online cooking show umano si Andre nang dumating si Kobe para kulitin ito.Sa video, mapapanood si Kobe na pinapatawa si Andre sa kanyang mga funny dance move.Nakakaaliw naman si Yohan dahil sinasabayan nito ang funny dance move ng kanyang kuya Kobe.

Credit: Jackie Forster instagram

Sa huli, ay makikita ang sumusuk0ng reaksyon ni Andre sa kakulitan ng mga kapatid at pinakiusapan ang mga ito na tigilan na ang pangungulit para makapag-pokus siya sa online cooking show.Samantala, kamakailan lamang ay nagkaroon ng isang photoshoot ang pamilya ni Jackie. Kumpleto da photoshoot ang limang anak niya na sina Andre, Kobe, Jared, Caleigh and Yohan para sa ika-sampung kaarawan ng kanyang unica hija na si Caleigh.

 

View this post on Instagram

 

Happy babies = Happy mommy 💝 Sky’s the limit now 🌈 🌟 Mamas fab #5 #GodisGood 🙌🏼💝

A post shared by Jackie Forster (@jackie_forster) on


Sa mga larawang ibinahagi ni Jackie sa Instagram, kapansin-pansin ang saya sa mukha ng dating aktres na makita na kumpleto ang kanyang limang anak.Ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon na makapag-bonding ang mga anak ni Jackie sa dating asawang si basketball star Benjie na sina Andre at Kobe sa kanyang tatlong anak sa bagong asawang si Michael Franken.

 

View this post on Instagram

 

Yoyo loves his Kuya’s so much 😭 So kyooot 🥰 @yohan_forster ❌⭕ @andreparas

A post shared by Jackie Forster (@jackie_forster) on


Matatandaang nahiwalay si Jackie ng higit isang dekada kina Kobe at Andre dahil nasa pangangalaga at puder sila ni Benjie at ng asawa nitong si Lyxen Diomampo.Si Jackie at Benjie ay ikinasal noong 1994. Taong 2001 ay nagkahiwalay ang dalawa. Tuluyang napawalang-bisa ang kasal nina Jackie at Benjie taong 2003. Naibigay naman ang full-custody ng kanilang mga anak kay Benjie.

The post Tingnan ang nakakatuwang kulitan ng mga anak ni Jackie Foster na si Andre at Yoyo appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments