Zoren Legaspi, nag-walk out matapos malaman ang napiling “jojowain” ni Carmina Villarroel kung single pa ito

Maraming netizen ang natawa nang masaksihan nila ang reaksyon ni Zoren sa mga aktor na napiling “jojowain” ng kanyang asawang si Carmina Villarroel.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi Instagram

Sa live video kasi na ibinahagi ni Carmina sa kanyang YouTube channel, ay sumabak sila ni Zoren sa sikat na video challenge na “Jojowain o Totropahin”.

Si Cassy Legaspi ang siyang pumili ng mga sikat na artistang pagpipilian ng kanyang Nanay at Tatay.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi Instagram

Noong una ay wala pang naging problema si Zoren sa mga sagot ni Carmina dahil puro “Totropahin” ang pinili nito.

Ngunit nang pinapili si Carmina kung “Jojowain o Totropahin” niya ba ang aktor na si Ian Veneracion ay isang nakakatawang reaksyon ang ibinigay ni Zoren.

Habang nag-iisip si Carmina kung nais ba nitong jowain o tropahin si Ian ay mahahalatang nagseselos na si Zoren.

Ani Zoren sa video, “Huwag kang maingay kasi malalim ang iniisip niya.”

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube

Kahit si Cassy ay hinihintay din ang sagot ng kanyang Nanay dahil pati ang anak ay kinikilig din kay Ian.

Nang sumagot na si Carmina ay hindi na napigilan ni Zoren ang kanyang nararamdaman at napa-walk out nalang.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube

Sagot ni Carmina, “Ang tagal kong sumagot, sige na nga Jojowain [si Ian].”

Reaksyon ni Zoren, “Bakit hindi nalang kayo ang magtuluyan? Ang tagal-tagal mong nag-isip. ‘Yun din ang ending mo. ‘Yun din lang pala ang sasabihin mo. Kayo na ang maglaro diyan, ‘yan ang sinasabi ko kaya ayokong maglaro eh.”

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube

Biglang tumawa si Carmina at Cassy dahil sa naging reaksyon ni Zoren.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube

Sumagot naman si Carmina, “Ikaw nga naka-dalawang jojowain. Hindi naman ako nag-walk out ah.”

Tugon naman ni Zoren, “Anong dalawa? Isa pa lang, si Solenn ‘yun at tsaka imported ‘yun si Solenn. ‘Yung sa’yo local eh.”

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube

Sa huli, ay sinabi naman ni Carmina na nagbibiro lang si Zoren at magkaibigan naman daw si Ian at ang kanyang asawa.

Ani Carmina, “Magkaibigan po sila ni Ian ha. Kaya ganyan din niyan niloloko si Ian because they’re good friends.”

Hindi pa rito natatapos ang mga nakakatawang reaksyon ni Zoren sa mga napiling “jojowain” ni Carmina.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube

Sa katunayan, nagbiro pa si Zoren na kakalabanin niya sa pagiging Mayor si Vico Sotto dahil “jojowain” ito ni Carmina.

Aniya, “Wow. Dahil diyan, tatakbo akong Mayor. Maglalaban tayo.”

Biro lang naman daw ito ni Zoren. Ayon pa kay Zoren, “Hindi joke lang. May political ambition ako before. Pero nung umupo ‘yan si Vico. Hindi na. Kasi he’s a good man. He’s a good person.”

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube

Hindi rin pinalampas ni Zoren nang piliin din ni Carmina na maging “jowa” si John Lloyd Cruz.

Reaksyon ni Zoren, “What? John Lloyd ha. John Lloyd, hinahamon kita ng actingan.”

Samantala, kabilang naman sa mga napiling “jojowain” ni Zoren sina Solenn Heussaff, Aiko Melendez at Pia Wurtzbach.

The post Zoren Legaspi, nag-walk out matapos malaman ang napiling “jojowain” ni Carmina Villarroel kung single pa ito appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments