Mga netizen, natuwa sa unang commercial nila Oyo Sotto at Kristine Hermosa kasama ng kanilang mga anak

Sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood sa isang commercial ang buong pamilya nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto Instagram

Ito ang inanunsyo ni Oyo sa kanyang Instagram nitong Biyernes, September 18, kung saan ay ibinahagi niya ang video ng kanilang first family commercial. Ang commercial ay para sa isang local ice cream brand na Selecta.

Sa caption ng kanyang IG post ay ipinahayag ng aktor ang kanyang kasiyahan dahil ang kanyang pamilya ang napiling gagawa ng naturang ice cream commercial.

Credit: Oyo Sotto Instagram

Ani Oyo sa caption, “Thank you Lord God for our first family commercial ❤ this was shot the day before community qu@rantine. Thank you Lord for your faithfulness.❤ #SelectaPhilippines”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Oyo Sotto (@osotto) on

Hindi man madalas lumabas sa telebisyon ang pamilya ni Oyo at Kristine ay alam ng lahat na larawan sila ng isang masayang pamilya.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi rin ni Kristine ang commercial video. Caption ng dating aktres, “So happy and blessed to be with the whole family 🥰💕🙏🏻 All glory to God! #SelectaPhilippines”

Credit: Kristine Hermosa-Sotto Instagram

Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang naturang commercial ng pamilya ni Oyo at Kristine. Maraming netizen ang natuwa lalo na’t ito ang unang commercial na mapapanood nila sina Oyo at Kristine na kasama ang kanilang mga anak.

“Nakakatuwa kayo pamilya! God bless! 🙏😍

“I wish this beautiful family forever💕

Credit: Kristine Hermosa-Sotto Instagram

“Nakakatuwa! I love it!”

“Ganda ng commercial. Masarap panoorin.”

“Bagay na bagay family mo”

Nagpasalamat naman si Oyo dahil sa positibong reaksyon ng mga tao sa kanilang family commercial.
Tugon ni Oyo sa lahat ng natuwa sa kanilang commercial, “Maraming salamat po sa inyong lahat😊

Credit: Oyo Sotto Instagram

26 na taong gulang pa noon si Oyo at 27 taong gulang naman si Kristine nang simulan nilang buuin ang kanilang pamilya.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto Instagram

Sa kasalukuyan, ay mayroong apat na anak sina Oyo at Kristine na sina Kiel, Ondrea, Kaleb at Marvic. Ang kanilang panganay na si Kiel ay ang adopted son ng mag-asawa.

The post Mga netizen, natuwa sa unang commercial nila Oyo Sotto at Kristine Hermosa kasama ng kanilang mga anak appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments