Marami sa atin ang inilaan ang kanilang qu@rantine life sa pagtuklas sa sarili at pagmamahal sa sarili. Karamihan naman sa atin ang nagsimula ng bago nilang hobby. Isa sa mga pinagkakaabalahan ngayon ng maraming Pinoy ay pagtatanim at pag-aalaga ng mga halaman.
Sumikat nga ang salitang ‘Plantita’ at ‘Plantito’ na bansag para sa mga taong nahihilig sa paghahalaman. Kabilang nga rito si Kapamilya actress Angelica Panganiban.
Sa isang interview kay Angelica sa online talk show ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga na “I Feel U”, ay ikinuwento ni Angelica ang kanyang naging karanasan bilang isang certified Plantita.
Ibinahagi ni Angelica na mahigit 100 na ang kasalukuyang bilang ng kanyang koleksyon ng halaman. Nilinaw naman ni Angelica na matagal na niyang sinimulan ang pangongolekta ng mga halaman. Hindi lang daw ito nagsimula nang nag-qu@rantine na.
Kwento ni Angelica, “Feeling ko mahigit 100 na siya. Pero nag-start ako matagal na. Hindi naman siya nag-start nu’ung qu@rantine. Parang nagstart siya sa paisa-isa tapos nagandahan ako.”
Isa raw na nagpapa-relax sa kanya ang mga alaga niyang halaman. Aniya, “Parang nakikita kong napapaganda niya ang mood ko, nare-relax ako. Na-excite akong umuwi ng bahay. Iche-check ko kung may mga bagong bang halamang tumubo.”
Dagdag niya, “Syempre nu’ng qu@rantine mas napansin ko na, ‘ay parang pwede pa akong maglagay ng halaman dito’. So naglagay dun… tapos wala na napuno ko na ‘yung bahay. Puno na talaga siya.”
View this post on Instagram
Ibinahagi rin ni Angelica na bukod sa pag-aalaga ng iba’t ibang klase ng halaman, nag-eehersisyo rin daw siya para maalagaan ang sarili ngayong nasa bahay lang siya.
Aniya, “Nagwo-workout, nagyo-yoga naman. Syempre kasi kapag qu@rantine ano pa bang gagawin ‘di ba? Iinom nalang. So, parang dun din masusukat mo ang kontrol mo na parang, ‘tama na Ange, okay na siguro. Ilang buwan na oh’. Wag ka nalang din munang uminom. Napagod nalang din ako.”
Samantala, biggest discovery daw ng aktres ngayong naka-qu@rantine ang realisasyon niyang kaya niya pa lang mag-isa.
“Natutuwa naman ako kasi parang natutong akong mag-control. Tsaka mapapansin mo, kaya mo naman pa lang mag-isa. Okay ka naman pala, ikaw ‘yung magluluto for yourself. Nakaka-survive naman. So parang nakikita mo nga rin na, ‘ay okay na ako, strong na ako’. May mga nami-miss ka lang kapag nagk-kdrama pero survivor Philippines pa naman po ako.”
The post Angelica Panganiban, isang proud plantita at ibinida ang higit 100 na alagang halaman sa kanyang bahay appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments