Tsang Amy Perez, saludo sa mga housewife, househusband, at mga kasambahay pagkatapos maranasan ang hirap ng ginagampanan nilang responsibilidad

Napagtanto ni Kapamilya TV host Amy Perez o mas kilala bilang Tsang Amy, na hindi biro ang pagsasakripisyong ginagawa ng mga housewife para sa kanilang pamilya. Sa katunayan, parang masis!ra umano ang ulo ni Tsang Amy nang maranasan niya ang maging full time mom at housewife ngayong panahon ng qu@rantine.

Credit: Amy Perez-Castillo Instagram       

Sa isang Instagram post ay ikwenento ni Tsang Amy na hindi niya nagawang maging housewife noon dahil sa kanyang trabaho ngunit dahil sa p@ndemya ay naranasan ni Tsang Amy kung gaano kahirap ang maging isang housewife.

Credit: Amy Perez-Castillo Instagram

Aniya, “I remember bata pa lang ako lagi ko sinasabi i want to become a housewife pero iba ang nangyari naging career woman ako.”

Credit: Amy Perez-Castillo Instagram

Dagdag niya, “But who would have thought 6 months ago mag-iiba ang lahat and God will make me experience it. And when it happened during the start of our qu@rantine akala ko kaya ko pero nung tumagal parang masis!ra ulo ko ang hirap pala maging housewife! 🤤

Credit: Amy Perez-Castillo Instagram

Napagtanto ni Tsang Amy na hindi biro ang mga responsibilidad na ginagampanan ng mga housewife. Kaya naman saludo si Tsang Amy sa lahat ng mga housewife, househusband at kasambahay na kulang nalang hatiin ang kanilang katawan magawa lang ang hindi matapos-tapos na gawaing bahay.

Credit: Amy Perez-Castillo Instagram

Saad ni Tsang Amy, “As in major SUPER TAO dapat ang level of skills mo at pasensya! Ang daming ginagawa, hindi kapa tapos sa una may kasunod na agad. Talagang iba yung sacrifice at dedikasyon na kailangan kaya saludo ako sa lahat ng housewives,houseHusbands, kasambahay at lahat ng taong bahay.”

Credit: Amy Perez-Castillo Instagram

Ngayon na isa na rin siyang ina, naiintindihan na raw ni Tsang Amy kung bakit mainit ang ulo noon ng kanyang ina sa kanya.

Credit: Amy Perez-Castillo Instagram

Ani Tsang Amy, ” Ngayon gets ko na si Mamadal ko kung bakit nung bata ako ang init ng ulo nya eh humingi lang naman ako ng 20 pesos na baon. Love you Mamadal. Thank you sa lahat ng tinuro mo sa akin.”

Credit: Amy Perez-Castillo Instagram

Sa huli ay isang mensahe at payo ang ibinahagi ni Tsang Amy sa lahat ng mga anak. Saad ni Tsang Amy, “Kaya kayo mga bata kahit di mother’s day o father’s day learn to appreciate your parents. And obey them. Nag sermon bigla hahahaha…”

Credit: Amy Perez-Castillo Instagram

Sa kabila ng hirap na pinagdaanan bilang housewife ay walang paglagyan naman ang kasiyahan ni Tsang Amy dahil napagsilbihan niya ang kanyang pamilya.

Aniya, “What’s important now is happy naman ako serving my family that is my L❤ve language talaga. And with God’s grace every day i can do all things with the help and strength that Jesus gives me.”

Credit: Amy Perez-Castillo Instagram

Taong 2014 nang ikasal si Tsang Amy sa news anchor na si Carlo Castillo. Biniyayaan sila ng dalawang anak na sina Kyle at Isaiah Joaquin. Nagkaroon din ng isang anak si Amy sa kanyang unang asawa na pinangalanan nilang Adi.

The post Tsang Amy Perez, saludo sa mga housewife, househusband, at mga kasambahay pagkatapos maranasan ang hirap ng ginagampanan nilang responsibilidad appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments