Mga netizen, nagtatanong kung ang mga post nila Karla Estrada at Min Bernardo ay pahiwatig ng nalalapit na kasal ng KathNiel

Isa ang KathNiel o ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mga pinakahinahangaan at kinagigiliwang loveteam sa telebisyon.

Credit: ABS-CBN Star Cinema YouTube       

Mas pinakilig ng KathNiel ang kanilang fans nang kinumpirma nila noong 2018 na hindi lang sila partners sa screen kung hindi sa totoong buhay.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Sa loob ng siyam na taon nilang pagsasama ay hindi na nakapagtataka kung bakit ang kanilang fans ay umaasa na mauwi sa kasalan ang kanilang relasyon.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Kamakailan lamang ay umugong ang espekulasyon na magpapakasal na ang KathNiel dahil sa mga cryptic post ng kanilang mga ina na tila nagpapahiwatig sa inaabangang kasal nila.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Sa Instagram ay unang nag-post ang mommy ni Kathryn na si Mommy Min Bernardo ng isang letrato ng mistulang isang wedding gown.

 

View this post on Instagram

 

K💍N

A post shared by Min Bernardo (@bernardomin) on

Caption ni Mommy Min sa kanyang post ang initials ng KathNiel na mayroong singsing sa gitna.

Credit: Min Bernardo Instagram

Sa Instagram naman ni Queen Mother Karla Estrada ay ibinahagi niya ang isang larawan ng mistulang wedding invitation card.

Credit: Karla Estrada Instagram

Kagaya ng caption ng mommy ni Kathryn ay initials din ng KathNiel na mayroong singsing sa gitna ang nilagay na caption ni Momshie Karla.

 

View this post on Instagram

 

K💍N

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

Sa comment section ng post ay bumaha ang iba’t ibang hula ng netizens. Ang ilang mga tagahanga ng KathNiel ay hindi mapigilang umasa na ang kasal na hinihiling nila ay magaganap na sa lalong madaling panahon.

Credit: Threelogy Video YouTube

Ngunit para sa ibang fans ng KathNiel, ang mga post na ibinahagi nina Mommy Min at Momshie Karla ay walang ibang pahiwatig kung hindi pasilip lang sa nilulutong sitcom project ng KathNiel.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Samantala, sa guesting naman ng KathNiel sa online talk show ni Kapamilya Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga na “I Feel U” noong May 31, ay sinagot ni Daniel ang tanong ng lahat kung kailan mangyayari ang kasalan sa pagitan nila ni Kathryn.

Ani Daniel, “Siguro 4 years to 5 years now.”

Unang nagtambal ang KathNiel sa Kapamilya teen drama series na “Growing Up” taong 2011. Simula nang pumatok sa manonood ang kanilang tambalan ay sunod-sunod na ang proyekto ng KathNiel. Ilan sa mga proyekto ng KathNiel ay “Princess and I”,”She’s Dating the Gangster” at “Barcelona”.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Huling proyekto na ginawa ng KathNiel ang pelikula nilang “The Hows of Us” na isa ring Box Office Hit noong 2018.

The post Mga netizen, nagtatanong kung ang mga post nila Karla Estrada at Min Bernardo ay pahiwatig ng nalalapit na kasal ng KathNiel appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments