Scarlet Snow Belo, pinabilib ang netizens sa pagkanta kasabay ni Jose Mari Chan ng sikat na awiting “Christmas In Our Hearts”

Pasko ang pinakamasayang okasyon para sa marami lalo na para sa mga bata. Sino ba naman ang hindi excited na makatanggap ng mga regalo o aguinaldo? Bukod dito, hindi rin mawawala ang mga Christmas song na nagpaalala sa atin sa diwa ng pasko.

Credit: Scarlet Snow Belo Instagram   

Isa nga sa mga paboritong kantahin ng mga Pinoy tuwing sasapit ang pasko ay ang kanta ni singer-songwriter Jose Mari Chan na “Christmas In Our Hearts”.

Sa katunayan, kahit ang anak nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow ay paborito na ang kantang ito ni Jose simula noong 2 years old pa lang siya hanggang ngayon.

Credit: Vicki Belo, M.D. Instagram

Sa isang pambihirang pagkakataon naman ay sumabak sa isang singing duet sina Jose at Scarlet.

Credit: Vicki Belo, M.D. Instagram

Sa Facebook Live na isinagawa ng host na si Tim Yap, ay pinabilib ni Scarlet ang netizens sa kanyang galing sa pag-awit. Hindi man perpekto ngunit para sa isang bata ay napakaganda nitong pakinggan.

Credit: Vicki Belo, M.D. Instagram

Kagaya ng ibang bata ay paborito rin ni Scarlet ang pasko. Ikwenento ni Scarlet na taon-taon ay inaabangan niya ang pagbubukas ng mga regalo at bonding time ng pamilya niya.

Credit: Vicki Belo, M.D. Instagram

Ibinahagi rin ni Dr. Vicki sa kanyang Instagram ang naturang duet nina Jose at Scarlet.

Aniya sa IG post, “Christmas in out hearts duet @scarletsnowbelo and Jose Mari Chan. Her favorite song since she was 2 years old.”

 

View this post on Instagram

 

Her favorite song since she was 2 years old

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo) on

Umani naman ng maraming papuri mula sa netizens ang singing duet nina Jose at Scarlet.
Komento ng netizens:

“bright tlga c Scarlet”

Credit: Scarlet Snow Belo Instagram

“Galing tlga baby scarlet na ito love love baby, keep it up”

“Super galing naman Scarlet”

“nice voice Scarlet. Jose Mari Chan ur the best every Christmas”

Credit: Scarlet Snow Belo Instagram

“Two of my favorite people in the country singing my favorite song”

Credit: Scarlet Snow Belo Instagram

Samantala, hindi lingid sa kaalaman ng lahat na isang internet sensation si Scarlet. Maraming humahanga kay Scarlet dahil bukod sa ganda ay talented at matalino rin ito. Bukod kasi sa pag-awit ay magaling din tumugtog ng piano si Scarlet. Sa kasalukuyan ay mayroon ng 4.5 million followers si Scarlet sa Instagram account nito.

The post Scarlet Snow Belo, pinabilib ang netizens sa pagkanta kasabay ni Jose Mari Chan ng sikat na awiting “Christmas In Our Hearts” appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments