Doug Kramer, ikwinento kung paano nagsimula ang nakakakilig na love story nila ng asawang si Chesca Garcia

Kinikilig na binalikan ng dating PBA star na si Doug Kramer kung paano nagsimula ang love story nila ng asawang si actress-model Chesca Garcia.

Credit: Doug Kramer Instagram       

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Doug ang isang larawan nila ni Chesca kuha mula sa first date nila taong 2003.

Credit: Doug Kramer Instagram

Kasabay ng larawan ay ikwenento ni Doug kung paano nagsimula ang relasyon nila ni Chesca. Pagsisimula ni Doug, “It’s crazy to think this was taken at our first date, late 2003. But still with lots of her friends beside us.😂

Credit: Doug Kramer Instagram

Ibinahagi ni Doug na noong una ay na-heartbroken siya lalo nang pinili muna ni Chesca na iwasan siya.

Ayon kay Doug tumagal daw ng ilang buwan ang pag-iwas ni Chesca sa kanya. Hindi raw nito sinasagot ang mga text o tawag niya.

Credit: Doug Kramer Instagram

Aniya sa IG post, “Moreso, here’s a little fact. We met around April but Chesca sort of gave herself some space for several months for personal reasons. Avoided me muna, not answering my texts and calls. I was heartbroken. Haha!”

Credit: Doug Kramer Instagram

At dahil hindi na nagpaparamdam si Chesca sa kanya ay pinili umano ni Doug na mag-move on.

Masakit man daw ay binura niya ang lahat ng mga larawan ni Chesca na mayroon siya. Laking gulat nalang niya nang makatanggap ng isang text kay Chesca ilang buwan matapos ang huli nilang pag-uusap. Sa mga panahon na ito ay bahagya na nakakalimutan ni Doug si Chesca.

Credit: Doug Kramer Instagram

Pagpapatuloy ni Dough, “Then suddenly, around August. It’s been months since we spoke. I “moved on.” (not really 😂) I painfully deleted her pictures… then suddenly out of the blue, she texted me that she got to watch my Ateneo game on tv. Then afterwards texted this, “I miss you”.

Credit: Doug Kramer Instagram

“I remember getting so kilig, I left my friends to meet her. Hahaha! The rest is history! ❤,” kwento ni Doug.

Sa huli ay napagtanto ni Doug na kahit maraming taon na ang lumipas ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya para sa dating nobya na ngayon ay asawa na niya na si Chesca.

Credit: Doug Kramer Instagram

Ani Doug, “I know love is more than an emotion, that it’s a choice, especially as time goes by. But when I reminisce about what happened to us before, our love story, the way I look at you now, our history, I still feel the butterflies in my tummy. I still get kilig with you! I love you @chekakramer! 😍❤

The post Doug Kramer, ikwinento kung paano nagsimula ang nakakakilig na love story nila ng asawang si Chesca Garcia appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments