Mag-asawang LJ Moreno at Jimmy Alapag, nagbigay ng malungkot na balita tungkol sa ipinagbubuntis ni LJ na ikaapat nilang anak

Mahirap para sa mag-asawa ang mawalan ng anak. Ito ang naranasan ng celebrity couple na sina LJ Moreno at Jimmy Alapag sa kanilang ika-apat na anak.

Credit: Alapag Family Fun Facebook   

Sa kanilang pinakahuling vlog ay malungkot na inanunsyo nina LJ at Jimmy ang pagkawala ng anim na linggong sanggol sa sinapupunan ni LJ.

Credit: Alapag Family Fun Facebook

Ikinuwento ni LJ na nang magpunta sila sa doktor, hindi nila naririnig ang tibok ng puso ng kanilang anak. Ipinaalam ng kanilang doktor kina LJ at Jimmy na dahil si LJ ay nasa unang yugto pa lamang ng kanyang pagbubuntis ay baka hindi pa nila marinig ang tibok ng puso ng bata.

Ani LJ, “We were supposed to hear the heartbeat that appointment, but we couldn’t find one.”

Credit: Alapag Family Fun Facebook

Dagdag niya, “The doctor said it could be too early, because I have my0ma. On my first appointment, the doctor was saying I had my0ma in my uteru5—not alarming because it was growing the other way, not toward the baby.”

Ngunit sa kanilang pangalawang appointment ay nakumpirma ang kinatatakutan ng mag-asawang LJ at Jimmy.

Credit: Alapag Family Fun Facebook

Kwento ni LJ, “I went back to the next appointment, hoping to hear the heartbeat but we still couldn’t. She (doctor) said we would do everything we could. She said, ‘Manage your expectations and be open to the possibility you can have a m!sc@rriage’.”

“They call it a m!sc@rriage. I didn’t ble€d at first. Pregnancy stopped, the baby stopped.”

Malungkot man para sa mag-asawa, nagpapasalamat pa rin si Jimmy dahil maayos ang kalagayan ni LJ. Pokus muna raw siya sa pag-aalaga kay LJ at kung paano ipapaliwanag sa iba pa nilang mga anak ang nangyari.

Credit: Alapag Family Fun Facebook

Aniya, “As disappointing as it is, my biggest concern is to make sure that LJ is okay and to tell the kids.”

Hindi regular na pumupunta si LJ sa doktor para magpa-check up, kaya’t sa pamamagitan lamang ng kanyang pagbubuntis nalaman nila na mayroon siyang tatlong maliit na nodule sa kanyang thyr0id.

Napagtanto naman ni Jimmy ang kahalagahan ng regular na checkup lalo na kapag tumatanda na ang isang tao.

Credit: Alapag Family Fun Facebook

Ani Jimmy, “And I think that’s what’s really important. If you are in your late 30s and early 40s, make sure to get your annual checkup. [We should] take care of ourselves as parents so that we’re around long enough to take care of them (kids).”

Sa huli, ipinaliwanag ni Jimmy na kaya ibinabahagi nila ito sa kanilang subscribers upang ipakitang hindi sila naiiba at nakakaranas din sila ng mga bagay na pinagdadaanan ng ibang mag-asawa.

Credit: Alapag Family Fun Facebook

Mayroong tatlong anak sina LJ at Jimmy. Dahil hindi kaagad biniyayaan ng anak pagkatapos makasal noong 2010, napagdesisyunan ng mag-asawa na ampunin ang kanilang panganay na si Ian Maximus. Biological children naman ng mag-asawa ang dalawa nitong anak na sina Keona Skye at Calen Asher.

The post Mag-asawang LJ Moreno at Jimmy Alapag, nagbigay ng malungkot na balita tungkol sa ipinagbubuntis ni LJ na ikaapat nilang anak appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments