Sanya Lopez, prinank din ang kapatid na si Jak Roberto bilang pagbawi sa pagpapaiyak sa kanya ni Jak dahil sa isang prank

Normal lang ang asaran sa pagitan ng magkakapatid. Ngunit may mga pagkakataon talaga na hindi natin maiwasang gum@nti, lalo na kapag napipikon na tayo sa mga pang-aasar na ginagawa nila.
Ito nga ang ginawa ng Kapuso aktres na si Sanya Lopez sa kuya niyang si Jak Roberto.

Credit: GMANetwork YouTube       

Sa isang episode ng ‘Sarap, ‘Di Ba?” Bahay Edition na ibinahagi ng GMA Network sa YouTube ay ipinakita ni Sanya kung paano siya gum@nti sa ginawang prank sa kanya ni Jak.

Credit: GMANetwork YouTube

Sa halip kasi na simpleng Kalabasa Patty recipe ang inihanda ni Sanya ay naisipan niyang pakainin ng sobrang maalat na patty si Jak bilang ganti sa ginawa nitong “Ignoring Sanya Prank” na nag-paiyak sa kanya nang matindi.

Kwento ni Sanya sa video, “Ito na talaga ang panahon para makapaghig@nti na ako kay Kuya. Dahil kung natatandaan ninyo nu’ng in-ignore niya ako dun sa prank niya, sobrang umiyak talaga ako.”

Credit: GMANetwork YouTube

Aniya, “Habang busy siya dun na nagse-set up sa labas, eh ako ‘yung pinag-prepare niya ng mga ingredients. Dahil diyan, dun ko naisip ang aking kalokohan. Tatawagin natin ang prank na ito na ‘Salty Patty’.”

Mukhang eksperto rin si Sanya sa pangpa-prank dahil natural at chill lang ito habang ginagawa ang naisip niyang prank.

Credit: GMANetwork YouTube

Samantala, walang kamalay-malay si Jak na isang dakot na asin ang iniligay ni Sanya sa Kalabasa Patty niya.

Desididong makapaghig@nti ni Sanya kaya bawat galaw nito ay planado. Para kasi unang matikman ni Jak ang inihanda niyang ‘Salty Patty’ ay una niya itong niluto at inilagay sa ibang plato.

Credit: GMANetwork YouTube

Kaya nang mag-taste test na ay hindi maipinta ang mukha ni Jak. Sa una, ay mukhang excited pa ito na tikman ang niluto nilang kalabasa patty ngunit nang matikman na ang inihanda ni Sanya ay halata na natitikman na nito ang ganti ni Sanya.

Habang nasasarapan si Sanya sa kinakain na kalabasa patty, si Jak naman ay hindi na napigilang itago ang nararamdaman.

Credit: GMANetwork YouTube

Tanong ni Sanya, “Sarap, ‘di ba?”

Sagot ni Jak, “Sarap…Teka nga cut muna.”

Ani Sanya, “Huwag. Bakit?”

Credit: GMANetwork YouTube

“Ang alat! Tikman mo, ang alat. Patikim nga ng sa’yo. Hmmm…okay naman. Ito ang alat eh. May ginawa ka [Sanya] ano?”

Sa parteng ito ng vlog ay tuluyan nang nahalata ni Jak ang ginawa ni Sanya sa kinain niyang patty.

Credit: GMANetwork YouTube

Napabungisngis naman sa tawa si Sanya dahil nagtagumpay siya sa kanyang paghihig@nti kay Jak.

Sa huli ay tinanong ni Sanya si Jak kung anong pakiramdam nito na siya naman ang na-prank.

Saad ni Sanya, “Anong pakiramdam na ikaw na naman ang na-prank ngayon?”

Credit: GMANetwork YouTube

Aminado naman si Jak na hindi niya talaga napansin na may balak na pala si Sanya na i-prank siya.

Ani Jak, “Hindi ko naramdaman ha. In fairness, ang galing mo ‘dun ha.”

The post Sanya Lopez, prinank din ang kapatid na si Jak Roberto bilang pagbawi sa pagpapaiyak sa kanya ni Jak dahil sa isang prank appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments