Dawn Zulueta, nag-react sa komento ng isang netizen na binanggit ang pangalang ‘Agot’ sa kanyang ipinost na mamahaling bisikleta

Sa panahon ngayon, nahihilig ang mga Pinoy sa pagbibisikleta. Ito kasi ang ginagamit nila bilang alternatibong transportasyon papunta sa kanilang mga trabaho o ‘di naman kaya gamit pang-ehersisyo. Kaya sa social media ay hindi maiwasan ng iba na magbahagi ng mga larawan nila na nakasakay sa kanilang bisikleta.

Isa nga rito ang aktres na si Dawn Zulueta na kamakailan lang ay nagbahagi ng ilang larawan niya sa Instagram habang nagbibisikleta.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Naging usap-usapan ang IG post na ito ng 51-year old na aktres dahil sa komento ng isang netizen.

Caption ni Dawn sa IG post, 🚲💯💙 Qu@rantine Life-behind-bars: Nothing compares to the simple pleasure of a bike ride 🚴🏻‍♀️💨🍃. Especially when coupled with old-fashioned things like early morning fresh air and sunshine ☀ Happy weekend! 🌺🌼🌸 #qu@rantinelife #stayfit #rideyourbike #brompton #bicycle #bromptonbicycle #foldingbike #favoritethings”

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Kung titingnan ang post ni Dawn ay walang kakaiba rito hanggang sa pabirong pinayuhan si Dawn ng naturang netizen na maging “sensitive” sa pagpo-post dahil hindi lahat ng tao ay may kakayahang lumabas ng kanilang bahay ngayong may p@ndemya at hindi lahat ay may angking kagandahan katulad ni Dawn.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Komento ng netizen, “konting sensitivity naman p0e maam dawn. Hindi lahat po tayo ay nakakalabas ng bahay at hindi lahat tayo ay may ganyang kagandang kutis”

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Bukod dito ay nakaagaw pansin din sa lahat nang banggitin ng netizen sa kanyang komento ang pangalang “Agot”.

Aniya, “Kapag nakita po yan ni Agot, naku po. hahahaa char ganito pala feeling ng basher mo mama. nakakakilabot.”

Tugon naman ni Dawn sa komentong ito ng netizen, “ang k!lljoy di ba?” na may kasama pang laughing emoji.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Kahit hindi binanggit ng naturang netizen ang apelyido ni “Agot” ay marami ang makapagsasabi na ang tinutukoy niya ay ang aktres na si Agot Isidro.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na kamakailan lang ay nasangkot sa isang “insensivity” isyu si Agot dahil sa pagpuna nito sa asawa ni boxing champ-senator Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao na nagbahagi ng kanyang mamahaling bisikleta na mula sa luxury brand na Hermes.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Kung pagbabatayan ang hashtag na ginamit ni Dawn sa kanyang post ay mamahalin nga ang folding bike na gamit nito dahil gawa ito ng London-based company na Brompton Bicycle.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Kung titingnan mo sa online shop na Ebay ay nasa P50K ang pinakamababang presyo nito hanggang P250K.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Gayunpaman, hindi na pinalaki ni Dawn ang isyu at sinabing huwag nalang daw nilang isali sa usapan si Agot.

Ani Dawn, “@itssally_zg pero wag na natin isama si Agot sa usapan. Natawa lang ako sa “basher” mode.”

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Samantala, kilala si Dawn dahil sa hindi kumukupas niyang ganda. Isang sekreto nga niya para manatiling young-looking at aktibo pa rin ay ang pag-eehersisyo at pagkain ng mga masusustanyang pagkain.

The post Dawn Zulueta, nag-react sa komento ng isang netizen na binanggit ang pangalang ‘Agot’ sa kanyang ipinost na mamahaling bisikleta appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments