One-week old na anak nina Coleen Garcia at Billy Crawford na si Baby Amari, pinaibig ang netizens sa kanyang napaka-cute na video

Ang bawat sanggol ay may kapangyarihang paibigin ang mga taong nakapaligid sa kanila lalo na ang kanilang mga magulang. Kahit na isang simpleng galaw lang nila ay maaaring magdulot ng matinding kaligayahan sa kanilang magulang.

Kagaya nalang ng anak ng celebrity couple at first time parents na sina Coleen Garcia at Billy Crawford na si Baby Amari.

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Bawat araw na dumaraan ay mas lalong tumitindi ang pagmamahal na nararamdaman nina Coleen at Billy para sa anak.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Coleen ang isang video kung saan mapapanood si Baby Amari na sumisinok.

 

View this post on Instagram

 

One week old today 🥺💙

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen) on


Ang simpleng pagsinok na ito ni Amari ay nagbigay ng labis na kasiyahan kina Coleen at Billy.

Pananggigilan din ng netizens si Amari dahil napaka-cute nito habang sumisinok.

Credit: Billy Crawford Instagram

Dahil one-week old pa lang ay naninibago pa si Baby Amari sa kanyang mga nakikita.

Sa video nga ay mapapanood ang inosenteng reaksyon nito habang naririnig na tumatawa ang kanyang Mommy Coleen dahil sa simpleng pagsinok niya.

Caption ni Coleen sa Instagram video, “One week old today.”

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Bilang first time parents ay hindi na maalis ng mag-asawa ang kanilang mata kay Amari.

Sa Instagram account ni Billy ay nagbahagi rin ito ng ilang larawan ni Baby Amari kasama si Coleen.

Aniya sa Caption, “Look at these 2 beautiful Angels Aaaaaaaahhhhh gigil…..”

Credit: Billy Crawford Instagram

Sa isa pang larawan ay sinabi ni Billy na hindi niya mapigilan na palaging ngumiti tuwing pinagmamasdan si Amari.

Ani Billy, “Can’t really be happier cause I can’t stop smiling!”

Samantala, maraming netizen naman ang nakapagsabi na mas kamukha ni Coleen si Baby Amari kaysa kay Billy nang mapanood ang close-up video ni Amari.
Komento ng netizens:

“Soo cute looks like Coleen, thanks for sharing the photo and video of your little cute one. Yung iba kc tinatago pa face ng baby nila…”

Credit: Billy Crawford Instagram

“Coleen boy version”

“He does look like you @coleen! @billycrawford bawi sa next one bro”

“Mini coleen talaga”

“Soooo cute he looks like you Coleen. Sorry Billy ”

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

“grabeee cute kamukha ni Coleen”

“Sorry Billy, your boy is super handsome like you but baby look just like Mama!!! Miss y’all and we can’t wait to see you guys”

September 10 nang isilang ni Coleen si Baby Amari sa pamamagitan ng water birth.

The post One-week old na anak nina Coleen Garcia at Billy Crawford na si Baby Amari, pinaibig ang netizens sa kanyang napaka-cute na video appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments