Pauleen Luna, nagbigay ng pahayag tungkol sa malaking agwat ng edad nila ng kanyang asawang si Vic Sotto

Sa buhay, hindi mo kontrolado kung sino ang iyong mamahalin at paglalaanan ng iyong puso. Maaaring mas bata sa’yo o matanda. Sa isang relasyon, ang edad ay hindi lamang isang numero. Madalas kasi itong batayan ng mga tao kung ang dalawang nagmamahalan ay nababagay ba sa isa’t isa o hindi.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Ang malaking agwat nga ng edad o age gap sa pagitan ng magkasintahan ang siyang nagiging tampulan ng hindi pagkakaintindihan at lalo ng chismis.

Ngunit may ilang relasyon pa rin ang nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok na naranasan nila dahil sa kanilang age gap.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Kabilang dito sina ‘Bossing’ Vic Sotto at actress-host Pauleen Luna na sa kabila ng kanilang 34 taong age gap ay matatag pa rin ang relasyon.

Ano nga ba ang sekreto nina Vic at Pauleen para hindi maramdaman ang pagkakalayo ng kanilang edad?

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Sa isang Instagram post ay inamin ni Pauleen na kailanman ay hindi niya naramdaman ang age gap sa pagitan nila ni Vic.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Ani Pauleen, “A few weeks ago, we were interviewed by Miss @luchicruzvaldes for her show. She asked me ‘How do you deal with the age gap?’ I wasn’t able to give a good answer because i honestly do not feel the ‘gap’ that we have.”

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Isa raw sa naging susi para hindi maramdaman ni Pauleen ang age gap sa pagitan nila ni Vic ay ang respetong ibinibigay nito sa kanya.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Aniya sa IG post, “That afternoon, i thought hard about that question and i came up with an answer, a real answer. My husband loves me very much and gives me a certain kind of confidence and security about our relationship but i think the thing i love most about him is the amount of respect he gives me.”

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Dagdag ni Pauleen, “He respects my life decisions, he respects my room to grow and he respects me like an equal. Never did i hear my husband raise his voice and felt like i was younger and didn’t matter. I always felt validated. I always feel important around him.”

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Sa huli ay sinabi ni Pauleen sa IG post, “Respect plays a big role in any relationship. I know deep in my heart that it’s one of the main reasons why this relationship is so easy.”

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

January 30, 2016 nang ikasal sina Vic at Pauleen. November 6, 2017 naman nang ipanganak ni Pauleen ang panganay nila ni Vic na si Talitha Maria.

The post Pauleen Luna, nagbigay ng pahayag tungkol sa malaking agwat ng edad nila ng kanyang asawang si Vic Sotto appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments