Ini-reveal ni Anne Curtis ang rason kung bakit nagdesisyon siyang sa Australia na lang ipanganak sa Baby Dahlia Ameliè

Biglaan pala ang naging desisyon ng aktres at full-time mommy na si Anne Curtis, na sa Australia isilang ang first baby nila na si Baby Dahlia Ameliè sa kanyang asawa na si Erwan Heussaff.

Credit: G3 San Diego YouTube

 

Planado na umano ayon kay Anne ang panganganak nito sa Pilipinas, ngunit dahil sa hindi niya maiwan ang kanyang trabaho, nag-decide silang mag-asawa na sa Australia na lang muna manirahan hanggang sa araw ng kaniyang panganganak.

Credit: Anne Curtis Instagram

“Actually, it was a last minute decision really. Kasi I’d already chosen a doctor and a hospital and then, parang last minute I decided na parang I was working so hard kasi,”

“And parang hindi nila ako mapigilang mag-work. So I felt that one way that would really get me to stop working is to just kind of be here,” dugtong pa ng aktres.

Credit: Anne Curtis Instagram

Patuloy pa niyang kuwento, “And major factor then kasi was being with my mom. Lalo na it’s my first baby and having her help me through it, du’n na lang ako para mas tahimik. I can really just focus on the first few weeks and months of my baby daughter’s life.”

Credit: Anne Curtis Instagram

Bukod pa dito, binalak din ni Anne na umuwi agad ng Pilipinas pagkatapos ng kaniyang panganganak, ngunit dahil sa p@ndemy@ng kinakaharap ng bansa ngayon, ipinagpaliban nya muna ang pagbalik para na rin sa safety ni Baby Dahlia.

“Kaya kong lumipad anytime, ‘di ba? Pero now, I have a little life to think off and she is the top priority. Her safety is the top priority and her health,”

Credit: Anne Curtis Instagram

Kasalukuyan mang naka-l0ckd0wn ang lugar na tinitirhan ngayon nila Anne, masaya pa din ang aktres sa naturang sitwasyon dahil naibibigay nila ni Erwan ang buong oras at atensyon nila para kay Baby Dahlia.

Credit: Anne Curtis Instagram

“So I think that’s the beauty of what’s happening now, is that we get to spend so much time with her. I mean all of our hours are dedicated to just Dahlia,”

At nang tanungin naman si Anne sa kaniyang naging panayam, kung kelan ang plano nilang umuwi ng Pilipinas ay sinagot naman agad ito ng aktres.

Credit: Anne Curtis Instagram

“Hopefully by the end of this year, we’ll be able to come back to Manila na. Pero of course playing it by ear pa rin. We’ll see. Pero ‘yun naman talaga ang goal, makapag-Pasko kami diyan sana.”

The post Ini-reveal ni Anne Curtis ang rason kung bakit nagdesisyon siyang sa Australia na lang ipanganak sa Baby Dahlia Ameliè appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments